182 total views
Manila, Philippines– Hindi makatao at nakahihiya ang naging desisyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpasa ng death penalty bill ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng C-B-C-P Permanent Committee on Public Affairs, nakakalungkot na maging ang mga bumoto na Kongresista pabor sa panukala ay hindi sigurado kung epektibo itong paraan upang masugpo ang laganap na krimen sa bansa.
“While we do not take away the prerogative of congress to enact laws, the passage of death penalty is a measure in the wrong direction.”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas
Iginiit ng pari na ang mga nagkamali ay dapat na parusahan hindi ng kamatayan at ang mga biktima ay dapat na arugain.
Naninindigan si Father Secillano na nasa maling direksyon ang death penalty bill dahil sa hindi maayos at hindi mapagkakatiwalaang justice system ng bansa.
Ikinatatakot ng pari na maging ang mga inosenteng tao ay maging biktima ng maling pagpapataw ng parusang bitay.
“With a dysfunctional and flawed criminal justice system, let’s expect that poor criminals will be lining the death row perhaps for wrong convictions. The measure is irrational, unjust, and a product of Congress’ savage character.”paglilinaw ng pari
Binigyan diin ni Father Secillano na hindi ibinatay ng mga mambabatas sa konsensiya ang boto sa death penalty bill kundi sa sariling interes at sa interes ng political party.
Nangangamba ang pari na maipapasa din sa Senado ang death penalty bill dahil dominado ng mga kaalyado ng Pangulong Duterte ang tinaguriang “August chamber”.
“The Senate is dominated by administration allies. People who assume that senators won’t approve it are simply politically naive. In Congress as well as in Senate, the name of the game is political patronage, alliances and survival.” But to those who oppose this oppressive measure, may you remain steadfast in supporting the nation’s quest for what is good, true and just”.pahayag ng Pari
Kaugnay nito, inihayag ni Kalookan Bishop Virgilio Pablo David na napapanahon ng bigyan ng education of conscience ang mga mambabatas na bumoto pabor sa panukalang death penalty.
Read: http://www.veritas846.ph/pro-death-congressmen-nangangailangan-ng-education-conscience/
(Riza Mendoza)