414 total views
Mithiin ng Intellectual Properties Office of the Philippines (IPOPHIL) ang makipag-tulangan sa Simbahang Katolika upang isulong ang pangangalaga ng Intellectual Properties (IP).
Inihayag ito ni Rowel Barba, Director General ng IPOPHIL, sa ginanap na ‘IP and Youth: Innovating for a silver-bright future forum’ kung saan naging tampok na tagapagsalita ang mga kabataang imbentor.
“Yung building collaboration and partnerships, so we are willing to collaborate wityh any organization, any entity so titignan din namin kung we can partnership with the church and any other religions,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Barba.
Sinabi ni Barba na bahagi ng adbokasiya ng ahensya na matigil ang pagtangkilik sa pamimirata at isulong at ipaalam sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng IP na nagsisilbing lisensya o legal na pamamaraan sa pagmamay-ari ng musika, kanta, imbensyon o ideya.
Tiniyak ni Barba na bukas din ang IPOPHIL sa pakikipagtulungan sa iba pang grupo at mga sektor upang matulungang lumago ang kanilang mga negosyo at kabuhayan.
Nagpahayag naman kagalakan ang mga kabataang tagapagsalita sa forum dahil sa pagkakaroon ng IP ng kanilang mga imbensyon upang upang hindi manakaw ng iba.
“The council and the legal kumbaga advises on when to or where to bring my intentions and for me very heartwarming to know that a lot of school Especially high schools have taken part sa mga youth advocacies ng IPOPHIL,” ayon kay Maria Yzabel Angel Palma – 23 taong gulang at imbentor ng ‘Air Disc’ na gumagamit ng malinis at sustainable na air-conditioning system.
“Nag-open po siya ng maraming doors hindi- I am not the person I am today hindi po ako makaabot if it weren’t the support of IPOPHIL hindi rin po ako masyadong makaka move forward,” pagbabahagi naman ni Yzhae Marione Capuno Villaruel, 20 taong gulang na imbentor ng ‘Multi-Saver Cane’.
Nakasaad sa katuruan ng Simbahan na hindi masama ang pag unlad higit na kasama sa pag-unlad ang bawat mamamayan at pinakanangangailangan sa lipunan.
Una naring naging panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga lider ng buong mundo na unahin ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupang mamamayan tungo sa paglago ng ekonomiya.