26,018 total views
Nagbabala ang Intellecual Property Rights Office of the Philippiones (IPOPHIL) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na opisyal ng Facebook Meta Intellectual Property Rights Enforcement Office (Meta-IEO).
Ayon sa IPOPHIL, ito ay matapos makatanggap ng reklamo ang kanilang mga himpilan hinggil sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng Messenger Application ang mga nagpapanggap na opisyal ng Meta sa mga users upang magbigay babala na sila ay lumabag sa ibat-ibang uri ng Intellectual Property Rights Policy.
Iginiit ng ahensya na kailanman ay hindi makikipag-ugnayan ang Meta-IEO sa pamamagitan ng Messenger at sa halip ay magpapadala na lamang ng mga notification sa kanilang mga personal Facebook application sakaling magkaroon ng paglabag sa intellectual properties.
Babala ng IPOPHIL na sakaling makatanggap ng mga kaparehong mensahe ay huwag buksan ang mga links na ibibigay ng mga nagpapanggap, kasabay nito ang hindi rin dapat pagbibigay ng anumang impormasyon na katulad ng pangalan, araw ng kapanganakan at iba pang personal na impormasyon ng mga users.
“We highly warn netizens against engaging with these senders. Do not open the links accompanied in their messages. Do not provide your personal information to these senders or through their sketchy links, IPOPHL also lauds Meta for taking swift action by taking down the impostor IEO account. We call on all social media platforms to act fast against such scams and keep themselves on their toes for emerging modes of fraud that misuses IP laws,” ayon sa mensaheng ipinadala ng IPOPHIL sa Radio Veritas.
Sa datos ng Philippine National Police-Anti-cyber Crime Group, sa 20-libong kaso ng cybercrimes na naisumbong sa himpilan, aabot sa 11,071 ang bilang ng mga online scams noong 2023.
Sa bahagi ng simbahan, una ng naranasan ng mga pastol at iba pang kawani ng simbahan ng ibat-ibang diyosesis ang paggamit ng mga scammers sa kanilang mga pangalan o personal na impormasyon upang makalikom ng pera.
Paalala ng simbahan sa mga mamamayan o mananampalataya, huwag agad maniniwala sa anumang matatanggap ng kasulatan, text message, chat o anupamang mensahe hinggil sa panghihingi ng donasyon na ginagamit ang pangalan ng mga opisyal ng simbahan at sa halip ay agad itong ipagbigay alam o kumpirmahin muna sa kanilang mga kinabibilangang parokya o diyosesis.