229 total views
Mga Kapanalig, nitong mga nakalipas na linggo, narinig natin ang pagsasalungatan ng mgaopisyal ng pamahalaan at sa mga human rights groups tungkol sa bilang ng mga napapataydahil sa kampanya kontra droga na sinimulan ni Pangulong Duterte.
Nagsimula ito sa isang video message na ipinadala ni Vice President Leni Robredo sa United Nations o UN, partikular sa UN Commission on Narcotic Drugs. Hiningian ang atingpangalawang pangulo ng pahayag tungkol sa kalagayan dito sa ating bansa, at kanyangbinigyang-pansin ang tumataas na bilang ng mga namamatay bunsod ng giyera kontradroga. Batay sa mga datos na nakalap ng kanyang opisina, hindi bababa sa 7,000 katao naang biktima ng tinatawag na summary executions, mga pagpaslang sa mga suspek sa halipna idaan ang paghusga sa kanila sa tama at ligal na proseso. At, paglilinaw ng pangalawangpangulo, nakapaloob sa bilang na ito ang mga napapatay dahil nanlaban umano sa mga pulis. Ibinahagi rin niya ang kanyang pagkabahala sa “palit-ulo scheme” na ginagamit ngmga pulis, kung saan ang kaanak ng drug suspect na hindi nila madakip ay ikinukulonghanggang sa lumutang ang kanilang nais tugisin. Itinanggi ng Philippine National Police o PNP na umabot na sa 7,000 ang mga napapataydahil sa war on drugs. Ayon kay PNP Ronald dela Rosa, mula nang manungkulan siPangulong Duterte noong Hulyo hanggang ngayong buwan, sa naitalang 6,011 kaso nghomicide sa buong bansa, 1,398 lamang ang napatunayang may kinalaman sa droga. Hindirin daw dapat na tawaging “extrajudicial killings” o EJK ang mga nagaganap na patayan.Ang media at ang mga human rights groups lamang daw ang nagpapalaki ng isyu, salayuning ipahiya umano ang ating pangulo. Gayunman, inamin naman ng PNP na halos4,000 kaso ng homicide o pagpatay ang patuloy pang iniimbestigahan, ngunit hindi dawdapat ituring ang mga ito na extrajudicial.
Mga Kapanalig, nasa puso ng ating pananampalatayang Kristyano ang pagpapahalaga sabuhay ng tao. Ang sadyang pagpatay sa ating kapwa ay labag sa dignidad ng tao at sakabanalan ng lumikha sa atin, ang ating Panginoon. Mainam na balikan din natin angsermon sa bundok ni Hesus kung saan binigyang-diin niya ang utos na “Huwag kangpapatay.” At dinagdagan pa niya ito: “…sinasabi ko naman sa inyo, ang sinumang napopootsa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman” (Mateo 5:21). Sa turo ng ating SantaIglesia, tumitindi ang bigat ng pagpatay kung ito ay inuudyukan ng galit, pagkamuhi, atpaghihiganti sa taong pinaslang.1 Bagamat may mga pagkakataong hindi maiiwasang mauwi sa pagpatay ang pagtatanggol sa sarili o sa iba, ang lehitimong pagtatanggol sa sarili at salipunan ay hindi “exception” upang sadyang patayin ang sinuman, lalo na kung may ibangparaang maaaring gamitin upang gawin ang pagtatanggol na iyon. Sa madaling salita, hindikarahasan ang susupil sa karahasan. Hindi buhay ng iba ang kailangang maging kapalitupang ipangtanggol ang buhay ng iba, kahit ng mas nakararami.
Ang nakababahala, mga Kapanalig, hindi malinaw sa bilang ng mga kaso ng pagpatay samga operasyon ng pulis kung ilan sa mga iyon ang maituturing na lehitimong self-defense.Ang madalas na naririnig natin sa mga balita, nakapapatay ang mga pulis dahil nanlabanang kanilang mga tinutugis at nalalagay sa alanganin ang buhay ng mga pulis. Angnakalulungkot pa, may mga inosenteng taong nadadamay – na kung ituring ng pamahalaanay pawang mga “colleteral damage” lamang.
Maging mapanuri po tayo sa mga datos na naririnig natin sa mga balita, dahil dito uusbongang tunay na katotohanan. Ngunit ang mas mahalaga, patuloy tayong maging masigasig sapagtatanggol ng buhay, dahil sinasalamin nito ang ating kaluluwa natin bilang isang bayan.Isang tao o 7,000 biktima ng madugong war on drugs ng pamahalaan, hindi mabubura angkatotohanang ang pagpatay ay paglapastangan sa kasagraduhan ng buhay.
Sumainyo ang katotohanan.