438 total views
Dumarami na ang mga Diocesan Council of the Laity na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo.
Nagpahayag ng suporta ang Diocesan Council of the Laity (DCL) ng Diocese of Parañaque para sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Leni Robredo.
Ayon sa Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Parañaque, ang desisyon ay resulta ng isinagawang personal discernment process at consensus building ng mga layko sa diyosesis para sa halalan sa ika-9 ng Mayo 2022.
Kabilang sa mga pinagbatayan ng mga layko ng diyosesis ay ang track record; mga nagawa ng kandidato sa kanyang kasalukuyang at mga nakalipas na posisyon; kredibilidad; katapatan; plataporma; academic credentials; at plano para sa pagpapaangat sa sitwasyon ng mga mahihirap.
Bukod dito binigyang diin rin ng Diocesan Council of the Laity (DCL) ng Diocese of Parañaque ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kandidato ng mga prinsipyo at paninindigan na naaayon sa posisyon ng Simbahan sa iba’t ibang mga usapin tulad na lamang ng diborsyo, abortion, same sex marriage at paggalang sa karapatang pantao.
“We seriously evaluated the candidates’ proven track record of capability as a servant leader, competence in the past and present roles, integrity, probity, moral ascendancy, honesty, demonstrated genuine compassion for the marginalized, vision and plans for the country, alignment with the Catholic Church on key issues such as divorce, abortion and same sex marriage, and undisputed academic credentials,” pahayag ng Diocesan Council of the Laity (DCL) ng Diocese of Parañaque.
Aminado ang Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Parañaque na bagamat hindi perpekto si Robredo ay tiwala naman ang lahat na mas higit nitong magagampanan ng may buong pananagutan at dignidad ang posisyon bilang Pangulo ng bansa.
“Gathering together the results of our individual discernment, we have come to a unanimous conclusion that Leni Robredo is most deserving to be our country’s next President. While she may not be perfect, we nonetheless believe she will discharge the duties and responsibilities of the President with competence and dignity,” dagdag pa ng Sangguniang Laiko ng Diyosesis ng Parañaque.
Ang Diocesan Council of the Laity (DCL) ng Diocese of Parañaque ay isa lamang sa mga grupo ng Sangguniang Laiko sa buong bansa na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo para sa pagkapangulo matapos na magsagawa ng “circles of discernment” o mga serye ng pagsusuri at pagninilay.
Read:
Robredo, inendorso ng Lipa Archdiocesan Council of the Laity
Unang nilinaw ni CBCP-Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Rev. Fr. Jerome Secillano na hindi maituturing na “block voting” ng mga Katoliko ang ginagawang pag-endorso ng mga Sangguniang Laiko ng iba’t ibang diyosesis sa isang kandidato sa halip ay isang pagsusulong ng adbokasiyang “circles of discernment” na naaayon sa katuruan ng Simbahang Katolika.
Read:
Endorsement ng samahan ng mga layko kay Robredo, hindi kumakatawan sa mga lider ng Simbahan