7,605 total views
Ito ang mensahe ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdalo nito sa flag-raising ceremony bilang pagdiriwang at paggunita ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Araw ng mga bayani.
Ipinaalala ng Punong Ehekutibo sa mga Pilipino higit na sa uniformmed personnel ang patuloy na pagwawaksi ng mga katangiang makasarili upang maisakatuparan ang mga hangarin at tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaisa.
“In his address, President Marcos Jr. emphasized the enduring legacy of Filipino heroes and the importance of upholding their values of courage and selflessness, “our heroes’ stories of courage, resilience, and patriotism bear even greater significance now that we are on the journey to becoming a truly revitalized and united nation. In honoring our heroes, we affirm as our own the values, virtues, and ideals they stood for,” ayon sa mensaheng ipinadala ng AFP sa Radio Veritas.
Hinimok naman ni National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga Pilipino lalu ng mga kabataan na huwag kalimutan ang pakikibaka at pag-alay ng buhay ng mga bayani upang makamtan ng Pilipinas ang kalayaan sa kamay ng mga dayuhang mananakop.
Hinimok din ni Teodoro ang mga mamamayan na palawigin ang kanilang kaalaman hinggil sa mga usapin na may kaugnayan sa paninindigan para sa West Philippines Sea upang mapaigting ang paninindigan para sa teritoryong patuloy na inaangkin ng China.
“Let us remember that heroism is not confined to the fields of battle or our seas; it is also found in our commitment to justice, our daily acts of kindness, and our efforts to uplift our fellow Filipinos as we face the future together. May we draw strength from the legacy of our heroes and work together to build a nation that is free, just, and prosperous for all,” ayon naman sa mensahe ni Teodoro na ipinadala ng DND sa Radio Veritas.
Tema ng paggunita sa National Heroes Day ang ‘Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago.’