389 total views
Ito ang mensaheng nais iparating ng ikalimang taon ng “Buy and Give Expo” ng Caritas Manila na isinasagawa sa Market Market, Taguig City.
Ayon kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual, isang magandang pagkakataon ang nasabing eksposisyon upang ipakilala sa publiko ang pinagsamang obra ng dalawang social enterprise program ng organisasyon, ang Caritas Margins at Segunda Mana.
Aniya, ang pagtangkilik sa mga produktong gawa ng marginalized community at mga second hand items na donasyon sa Caritas Manila ay nangangahulugang pagtulong sa kapwang nangangailangan na tunay na diwa ng darating na kapaskuhan.
“Alam naman natin na ang pasko ay pagbibigay at Pilipinas ‘pag sumapit na ang Ber pasko na. Kaya’t ipakita natin ang pagmamalasakit natin sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagtulong at ang pagsuporta sa [Caritas] Margins at sa Segunda Mana is a very powerful way of helping the poor help themselves,” paghayag ni Fr. Pascual.
Bukod sa mga high-end donation in-kind mula sa Segunda Mana tulad ng bag, damit at sapatos ay tampok din sa Buy and Give Expo 5 ang mga produkto ng Caritas Margins tulad ng pagkain, gulay at handmaid rosaries na gawa naman ng mahihirap na pamilya, bilanggo at microentreprenurs mula sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Kaugnay nito ay nagpahayag din ng suporta si Metro Retail Stores Group Inc. Vice President for Corporate Affairs Anna Marie Periquet sa misyon ng Caritas Manila na tulungan ang mga dukha na makaahon sa kahirapan sa pagbibigay sa mga ito ng hanapbuhay at pagkakakitaan.
“When you are able to partner with Caritas Manila you are giving not only to the less fortunate but you are also helping social enterprises. I always believe that one must not just give fish to the fisherman but one must teach the fisherman how to fish and that is what Caritas Manila does,” ani Periquet.
Target ng isinasagawang expo na makalikom ng 900-libong piso upang patuloy na masuportahan ang pag-aaral ng may nasa 5-libong mahihirap na scholars sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program ng Caritas Manila.
Tatatagal hanggang Sabado, ika-7 ng Oktubre ang Buy and Give Expo 5.