315 total views
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga estudyante at mga paaralan na kalahok sa 8th St. Paul National Bible quiz na isinagawa sa SMX Convention Center, Pasay City.
Hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga kalahok na isabuhay ang salita ng Diyos at hindi lamang dapat kabisaduhin. Umaasa ang Kardinal na makita sa bawat isa ang pagyabong bilang isang mabuting kristiyano.
Itinanghal na kampeon ang St. Rose Catholic School mula sa Tarlac sa katatapos na 8th St. Paul National Bible Quiz na ginanap sa SMX Convention Center, Pasay City.
Ang mga estudyanteng sina Villamor Dumlao, Braullo Jose Jo at Earnest John Manalo kasama ang kanilang coach na si Judy Natura ay tumanggap ng P50,000 cash, tropeo at medalya bilang premyo.
1st Runner Up naman ang University of Immaculate Concepcion mula sa Southern Mindanao, 2nd runner up ang Sister of Mary School-Boystown ng Cebu.
Labindalawang paaralan at isang kinatawan ng parokya ang nagtagisan sa Battle of the Champions na silang mga kampeon sa kani-kanilang rehiyon.
Sa NCR; Holy Trinity Academy at St. Theresa’s College of Quezon City; mula sa Luzon ay ang St. Rose Catholic School, St. Louie University Laboratory High School, Naga Parochial School, Dela Salle Lipa Integrated School, University of St. Louie Tuguegarao.
Mula sa Visayas ang Collegio Del Sagrado De Jesus, St. Mary’s School- Boystown habang kumakatawan sa Mindanao region ang Fatima College of Camiguin, Our Lady of Fatima Davao Inc., University of Immaculate Concepcion at parish representative naman San Jose De Navotas Parish.
Sa isang mensahe ni Pope Francis, sinabi nitong mahalagang mapagyabong ang kaalaman at pagkatao ng kabataan na siyang kayamanan at kinabukasan ng ating pananampalataya.