1,954 total views
Higit pang pabanalin ang mga sarili sa pamamagitan ng buong pusong pagtanggap sa presensya at salita ng Diyos.
Ito ang pagninilay ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect of the Dicastery for Evangelization sa ginanap na banal na Misa at pagbabasbas sa Sagrada Familia Church, ang bagong chapel na matatagpuan sa ikalimang palapag ng Gateway Mall 2 sa Araneta City, Cubao, Quezon City.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang pagtatalaga ng bagong chapel lalo na sa isang establisimyento ay paraan upang higit na mapalawak at maipalaganap ang salita ng Diyos sa mas maraming mananampalataya.
Paliwanag naman ng cardinal na layunin ng mga banal na pagdiriwang at gawaing isasagawa sa Sagrada Familia Church na mas maipahayag ang pananalig at pagtitiwala sa Diyos tungo sa kabanalan ng buhay.
“We should remember that divine worship or sacred celebrations like sacraments and liturgies are meant to do two major things: first is to glorify God, to worship God, to adore God. So, that aspect should not be forgotten. And secondly, in a holy place like this, especially during religious activities and sacraments most especially, as we glorify God, God sanctifies us,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
Iginiit naman ni Cardinal Tagle na mahalagang mapakinggan at maisabuhay ang mga salita ng Diyos, upang maihanda ang sarili sa pagtanggap sa Panginoon sa pamamagitan ng Eukaristiya, at buong pusong magampanan ang tungkulin ng pagkakawanggawa sa kapwa.
“As we dedicate this chapel to God, and God will certainly sanctify it, we should contribute to the continuing sanctification of this place through our prayer, through our listening to the word of God, through our fervent worship, and through our discernment on God’s call for us to serve in charity,” ayon kay Cardinal Tagle.
Ang Sagrada Familia Church ay isang modern minimalist design chapel na hugis mitra katulad ng isinusuot sa ulo ng mga Obispo, at mayroong sapat na lawak na maaaring magkasya ang 1,000 mananampalataya.
Matatagpuan naman sa itaas na bahagi ng altar ang imahen ni Hesus na nakabayubay sa krus na likha ng kilalang iskultor na si Willy Layug.
Nakatuwang naman ni Cardinal Tagle sa banal na pagdiriwang sina Fr. Ariston Sison, Jr., Fr. Ronnie Santos, Fr. Tony Labiao, at Fr. Tito Caluag.
Dumalo rin sa pagtitipon ang pamilya Araneta, mga opisyal ng Araneta Group, at tenants ng Araneta City malls.