463 total views
Ang Panginoon ay tuwinang kasama ng bawat isa sa paglalakbay sa buhay.
Ito ang bahagi ng pagninilay ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa Baccalaureate Mass ng mga magsisipagtapos na mga mag-aaral ng College of the Immaculate Conception sa Cabanatuan City.
Ayon sa Obispo ang pagtatapos sa paaralan ay hudyat rin ng pagsisimula ng panibagong yugto ng paglalakbay at mga hamon sa buhay na dapat na matapang na harapin ng bawat isa.
“We move on in our journey and wherever the Lord will send us it’s to proclaim His good news of salvation. Para sa mga graduates this is a milestone in your life but you always know that as you move on in your journey, this milestone that we recognized and identify will always be faced with challenges.” Ang bahagi ng pagninilay ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud.
Pagbabahagi ng Obispo, sa kabila ng pangamba at kawalan ng katiyakan para sa hinaharap at sa panibagong paglalakbay sa buhay ay dapat na panghawakan ng bawat isa ang mga karanasang kanilang pinagdaanan at natutunan sa paaralan.
Paliwanag ni Bishop Bancud, dapat na patuloy na ipanalangin sa Panginoon ang lakas ng loob at katatagan na magamit ang kanilang mga natutunan sa tunay na buhay at paglalakbay sa lipunan.
“Balikan mo yung mga kakayahan mo pagyamanin mo and then always accompany whatever efforts that you have, accompany it with a very fervent prayer, a prayer of gratitude because you know out of your own experience the many years back the Lord has always been there in your journey and the same Lord will journey with us.” Dagdag pa ni Bishop Bancud.
Giit ng Obispo, sa gitna ng kasalukuyang lipunan na puno ng mga pagsubok, panlilinlang at mga tukso ay dapat na tuwinang magtiwala ang bawat isa sa biyaya ng Panginoon at sa kanyang pangako na hindi kailanman iiwan ang sinuman.
Ayon kay Bishop Bancud, mahalagang sa panghawakan ang pangako ng kaligtasan, biyaya at kapanatagan ng Panginoon upang hindi kailanman maligaw maging sa gitna ng iba’t ibang mga hamon at pagsubok sa buhay.
“Tayo ngayon ay napapaloob sa mundo at sa lipunan na punong-puno ng pagsubok, pang-aakit ng mundo na madalas empty promises only to find out that na kapag nandiyan na akala mo nandon ang iyong parangap, hindi empty promises of this world that has led people astray and we know that, but behind all of this challenges my dear brothers and sisters is the same Lord Jesus calling us, reminding us ‘I’m with you until the end of time’.” Ayon kay Bishop Bancud.
Sa ilalim ng temang “Dream, Make, Haste, and Look to the Future with Courage” ay umaasa ang buong pamunuan ng College of the Immaculate Conception sa Cabanatuan City at maging ang Diyosesis ng Cabanatuan na maging matatag ang lahat ng mga nagsipagtapos na harapin ang panibagong yugto sa kanilang buhay dala ang kanilang mga natutunan sa paaralan hindi lamang sa larangan ng akademya kundi maging sa kanilang buhay espiritwal.