Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isang dekadang pagkilala sa family farming

SHARE THE TRUTH

 444 total views

Mga Kapanalig, pinagtibay ng United Nations General Assembly sa pagpupulong nito noong Disyembre 2017 ang pagtatalagâ sa mga taóng 2019 hanggang 2028 bilang “Decade of Family Farming”. Inaasahang sa panahong iyon, makabubuo ang UN ng balangkas o framework na gagabay sa mga pamahalaan ng mga kasaping-bansa na bumuo at magpatupad ng angkop na patakaran para sa mga pamilyang nagsasaka. Isa ito sa mga kongkretong hakbang upang makamit ng mga kasaping-bansa ng UN ang pangalawang Sustainable Development Goal o SDG na wakasan ang kagutuman at kahirapan pagsapit ng taóng 2030. Pagpapalawig din ito sa sinimulan nang adbokasiya ng Food and Agricultural Organization (o FAO) na International Year for Family Farming noong 2014, kung saan unang binigyang-pansin ang ambag ng family farming sa sama-samang pagtugon sa kahirapan, pagkakaroon ng sapat at masustansyang pagkain, at pangmatagalang kabuhayan para sa mga pamilya, habang pinangangalagaan ang kapaligiran.

Maaaring bago sa ating pagdinig ang family farming, ngunit sa napakahabang panahon—maaaring mula pa sa panahon ng ating mga ninuno—naging haligi na ng ating paglago, lalo na sa mga kanayunan, ang mga sakahang nililinang ng mga maliliit na magsasaka at kanilang mga pamilya. Ayon sa isang international institute na Technical Centre for Agricultural and Rural Cooperation, mahigit 500 milyong pansakahang pampamilya sa buong mundo ang nag-aambag sa pagkakaroon ng sapat na pagkain, at nagbibigay ng trabaho sa napakarami. Dito sa atin, pinagyayaman ng mga maliliit na magsasaka at kanilang pamilya ang tinatayang 5.7 milyong sakahan. Ngunit habang nakaaambag ang family farming sa suplay ng pagkain at paglikha ng trabaho, humaharap sa maraming hamon ang mga magsasaka at kanilang pamilya. Nariyan ang hindi pagkakaroon ng legal na karapatan sa lupang kanilang sinasaka, ang kakulangan ng access sa mga binhi at pataba, ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa makabagong pamamaraan ng pagsasaka, at kawalan ng koneksyon sa merkado o mga pamilihan upang maipagbili ang kanilang ani at produkto. Banta rin sa kanilang ani ang matitindi at mapaminsalang mga kalamidad gaya ng mga bagyo at baha.

Mahalaga rin ang pagtuon sa family farming dahil sa kabila ng kanilang ambag sa produksyon ng pagkain, ang mga pamilyang nagsasaka ay kabilang sa mga nakararanas ng matinding kahirapan at kakulangan sa pagkain. Ayon sa International Federation of Organic Agriculture Movement, bagamat mula sa sakahan ng mga pamilya ang 70% ng pagkain sa buong mundo, mula rin sa kanila ang kalahati sa mga nagugutom at hiráp sa buhay. Gayunman, wala tayong naririnig na kaugnay na hakbang ng Department of Agriculture o pahayag ng pagsuporta sa “Decade of Family Farming”, ngunit umaasa tayong tututukan din ito ng administrasyong Duterte sa kabila ng pagiging abalá nito sa cha-cha, federalismo, at pagsugpo sa droga.

Magandang alalahanin natin, lalo na ng ating mga pinuno, ang sinabi ni Pope Francis tungkol sa mahalagang papel ng mga magsasaka. Aniya, kung walang pagsasaka, walang sangkatauhan; kung walang maayos na pagkain, walang buhay ang lahat ng tao. Kaya’t mahalaga ang mga patakaran at programang nagpapataas sa kakayanan ng mga magsasaka—kabilang ang mga nagsasagawa ng family farming—upang panatilihing masagana ang kanilang ani, sapat para sa kanilang sariling pangangailangan at para sa pangangailangan ng lahat. Sa paglinang sa kanilang kasayanan at kaalaman, naitataguyod din ang dangal ng mga magsasaka, napatatatag ang katayuan sa buhay ng kanilang pamilya, at nakikilala ang kanilang mahalagang ambag sa ating bayan. At gaya rin ng sinabi pa ni Pope Francis, bilang mga tao at anak ng Diyos, karapat-dapat ang mga magsasakang magkaroon ng disenteng buhay. Kahit bago pa sumapit ang dulo ng Decade of Family Farming, nawa’y nabibigyan ng akmang kabayaran ang panahon, lakas, at pasensyang inilalaan ng mga magsasaka para sa kanilang hindi mapapantayang trabaho.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 52,392 total views

 52,392 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 63,467 total views

 63,467 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 69,800 total views

 69,800 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 74,414 total views

 74,414 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 75,975 total views

 75,975 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 52,393 total views

 52,393 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 63,468 total views

 63,468 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 69,801 total views

 69,801 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 74,415 total views

 74,415 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 75,976 total views

 75,976 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,751 total views

 44,751 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,412 total views

 67,412 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,988 total views

 72,988 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,469 total views

 78,469 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,582 total views

 89,582 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,581 total views

 85,581 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,283 total views

 73,283 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,765 total views

 81,765 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,824 total views

 74,824 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,748 total views

 81,748 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top