239 total views
Nanindigan si Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Mission na ang pagbibigay ng isang libong pisong budget sa Commission on Human Rights (CHR) ang pinakakahiya-hiyang desisyon na ginawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Bishop Bastes, simbolo ng kahangalan ang hindi pagpapahalaga sa komisyon na nagbibigay proteksiyon sa mga mamamayan mula sa paglabag sa karapatang pantao ng estado.
Sinabi ng Obispo na maituturing na “guilty” ang mga mambabatas na pumabor dito sa paglabag sa Saligang Batas.
Shameful decision
“This is the most stupid and shameful decision the Congress has ever made. This decision effectively abolishes a Constitutional provision that ensures the protection of the basic rights of human beings.Those lawmakers who are responsible for the effective abolition of this important commission are guilty of violating the Philippine Constitution and can be prosecuted by the third Branch of our Democratic Government – the Judiciary,” pagbibigay-diin ni Bp. Bastes.
Katawa-tawa ang Pilipinas.
Dahil sa ginawang pagpapasya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, inilahad ng Obispo na magiging katawa-tawa lamang ang Pilipinas sa ibang mga bansa dahil sa pagpatay sa karapatang pantao na malinaw rin paglabag sa turo ng Panginoon.
“Giving a budget of Php 1,000 for the CHR is a mockery of our democracy. The country will be a laughing stock among nations which have respect for human rights, enshrined by the United Nations and the law of God,” ani Bishop Bastes.
Mababatid na sa 151 bumotong mambabatas, tanging 32 lamang sa mga ito ang tumutol at nanindigan na hindi makatao ang paglalaan ng gobyerno ng isang libong pisong pondo para sa CHR sa susunod na taon.
Patuloy naman ang panawagan ng Simbahang Katolika kaugnay sa pagpapahalaga sa karapatang pantao at sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.