Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isang pamahalaang nakikinig

SHARE THE TRUTH

 174 total views

Mga Kapanalig, naalala pa ba ninyo ang sinabi noong Hulyo 2020 ni Pangulong Duterte na “back to normal” na tayo pagsapit ng Disyembre 2020? Ipinagmalaki niyang darating bago matapos ang nakaraang taon ang mga bakuna kontra COVID-19 mula sa China. Ang mga mahihirap at mga nasa ospital daw ang unang makatatanggap ng bakuna. Libre daw itong matatanggap ng mga Pilipino.

Libre ngang natanggap ng mga Pilipino ang bakuna, ngunit nitong Marso lamang nai-roll out ang COVID-19 vaccination program ng pamahalaan. Hindi pa tayo bumabalik sa normal, at nananatiling may pinakamahabang lockdown sa buong mundo. Isa ito sa mga ebidensyang binanggit ng Ateneo School of Government sa isang pag-aaral nito tungkol sa naging pagtugon ng administrasyong Duterte sa krisis na dala ng pandemya. Bigo raw ang pamahalaang pabagalin ang pagdami ng kaso ng mga nahahawahan ng sakit o ang tinatawag na “flattening the curve.” Naging epektibo raw sana ang pagtugon ng administrasyon kung tama at akma ang mga taong pinili nito upang pangunahan ang ating laban sa COVID-19—mga doktor at epesyalista, hindi mga taong walang kaalaman sa isang pangkalusugang problema.

Hindi na raw nakagugulat ang naging pag-aaral ng Ateneo, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Ngunit hindi ang kinalabasan ng pag-aaral ang kanyang tinutukoy na hindi nakagugulat. Hindi na raw nakagugulat na ganoon ang resulta ng pag-aaral dahil mga taga-Ateneo raw ang gumawa nito. Ipinahihiwatig ng tagapagsalita ng pangulo na hindi makaaasa ng komentong paborable sa administrasyon mula sa Ateneo.

Marami nang pagkakataon kung saan binabalewala lamang ng admnistrasyong Duterte ang mga puna rito, kahit pa may kaakibat na malinaw na datos ang mga ito. Ngunit gaya rin ng sinabi ni Secretary Roque, hindi na rin ito nakagugulat lalo na’t naging malaking tulong upang mapanatiling popular ang pangulo ang mga binabaluktot na katotohanan, lantarang kasinungalingan, at sistematikong pambibilog sa ulo ng mga mamamayan. Sa tulong ng mga trolls at mga panatiko sa social media—at mismong mga taga-pamahalaan—ibinabaón ang tama at totoo lalo na kung salungat ang mga ito sa imaheng nais buuin para sa sikat nating pangulo. Maging ang media na dapat nagsisiwalat ng katotohanan ay binubusalan, at ang mga kritiko naman ay pinatatahimik. Hindi lamang nakababahala ang uri ng pamamahalang hindi nakikinig sa datos at ebidensya. Lubhang delikado ito.

Kung hindi pinakikinggan ng ating mga lider ang mga datos at kung hindi sila magiging bukás sa mga puna at mungkahi, hindi natin maisasagawa ang mga dapat na pagtugon sa mga kinakaharap nating problema bilang isang bayan. Kung hindi pupunan ng tamang datos ang mga patakarang ipatutupad ng pamahalaan, buhay at kabuhayan ng tao ang maaaring maging kapalit. At ito ang nasasaksihan natin ngayon: mahigit 25,000 na ang namatay sa COVID-19, patuloy ang pagdami ng kaso ng nagpopositibo rito lalo na sa labas ng Metro Manila, at hiráp pa rin ang maraming magkaroon ng pangmatagalang hanapbuhay.

Sabi nga sa Mga Kawikaan 18:13, “Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot bago makinig.” Ang mahuhusay na pinuno ay marunong makinig—mas problema pa kung hindi na nga marunog makinig, mabagal pang kumilos o mali naman ang inihahaing solusyon. Sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, ipinaliwanag ni Pope Francis na ang mga nasa pamahalaan ay dapat laging handang makinig sa ibang punto-de-bista nang sa gayon ay walang naiiwan sa kanilang mga pinamumunuan at, higit sa lahat, dapat pinaglilingkuran.

Mga Kapanalig, tungkulin nating sumunod sa ating pamahalaan dahil ito ang dapat na nakakaalam ng makabubuti para sa lahat. Ngunit tungkulin din ng pamahalaang makinig sa mga lehitimong puna at mga mungkahing may kaakibat na datos at ebidensya upang malaman kung ano ang tunay na makabubuti para sa lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 46,339 total views

 46,339 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 57,414 total views

 57,414 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 63,747 total views

 63,747 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 68,361 total views

 68,361 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 69,922 total views

 69,922 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 46,340 total views

 46,340 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 57,415 total views

 57,415 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 63,748 total views

 63,748 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 68,362 total views

 68,362 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 69,923 total views

 69,923 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,212 total views

 44,212 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,873 total views

 66,873 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,449 total views

 72,449 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,930 total views

 77,930 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,043 total views

 89,043 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,042 total views

 85,042 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,744 total views

 72,744 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,226 total views

 81,226 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,285 total views

 74,285 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,209 total views

 81,209 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top