2,039 total views
Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa misang pinangunahan sa Santo Niño De Paz Greenbelt chapel na ini-alay din sa pagbabasbas ng bagong altar ng simbahan.
Ayon kay Cardinal Advincula, mahalagang bahagi ng simbahan ang altar dahil ito ang nag-uugnay sa panginoon sa tahanan at komunidad.
“From the Altar, let us go to the Altar of our homes, to reach our families and communities, to reach the in need, affected by the pandemic who are sick and suffering.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.
Lubos rin ang naging pasasalamat ni Fr. David Concepcion, Mission Station Priest ng Greenbelt Chapel sa mga nakiisa upang maisakatuparan ang pagtatayo ng bagong altar.
Kinilala ni Fr. Concepcion ang pakikiisa ng mga mananampalataya upang sama-samang makamit ang mga layunin at pagtatagumpay tungo sa hangarin ng Diyos para sa simbahan at sambayanan.
Paalala din ni Father Concepcion sa bawat mananampalataya na nanatiling bukas ang simbahan, higit na ang mga simbahang nasa sentro ng mga pasyalan upang mahimok ang mamamayan na manampalataya sa Panginoon anumang oras.
“So yung paglalagay po ng simbahan sa mga, sabi nga “urban jungle” is a way for the church reaching out to the people so yun po ang mahalaga para makita ng mga tao na bukas ang simbahan palabas hindi yung naghahantay lang sa tao na pumunta sa simbahan at harinawa lahat tayo ay instrumento ng diyos upang maabot at magtagpo ang tao Diyos saanman sila naroroon.” bahagi naman ng panayam ng Radio Veritas kay Father Concepcion.