526 total views
Ito ang ipinaliwanag ni Aiza Asi, isang Filipina Doctor of Philisophy, miyembro ng Economy of Francesco Executive Committee na isinusulong na adbokasiya ng Economy of Francesco (EOF).
“I dedicate myself in my work to the creation of new local economies, this local economies are the birth place of a civil economy and a good relationship with material possesion by specifically investigating how techonology so present nowadays could be used to encourage people to participate,” ayon sa pahayag ni Asi sa isinagawang press conference.
Umaasa si Asi na ang kaniyang pakikibahagi sa inisyatibo ay magsisilbing daan upang masimulan ang Gawain para sa ikabubuti ng kapwa.
Tinukoy ni Asi ang paggamit sa mga makabagong teknolohiya na tutulong na makapamuhay ng may dignidad at mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Sinabi ni Asi na mahalaga ang sama-samang pagtugon sa mga suliraning dulot ng hindi makakalikasang economic systems.
“I would like to participate in the Economy of Francesco because I’m convinced that we need paradigm change, I am a climatologist specialized in renewable energies, risk and reduction management, no one can act totally in isolation together we can do to contribute to redifine our global economic system which visually must move in the direction of a sobriety which considers present and future generations and which guarantees the safeguard of creation,” ayon pa sa mensahe ni Asi.
Taong 2019 ng manawagan si Pope Francis sa mga kabataan at economic leaders sa buong mundo na itatag ang mga inisyatibo na babaguhin ang sistema sa ekonomiya na hindi nakatuon sa personal na paglago at sa halip ay may pagkalinga sa mga mahihirap.
Ito ang hudyat ng pagkakatatag ng Economy of Francesco sa pamumuno ng Italian Economist na si Luigiono Bruni.