343 total views
September 25, 2020-1:30pm
Patuloy na isulong sa lipunan ang kultura ng pakikipag-ugnayan.
Ito ang mensahe ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle–Prefect of the Vatican Congregation for the Evangelization of Peoples na nagsilbing keynote speaker sa huling araw ng 2020 CEAP CONGRESS (Community Online National Gathering for Renewed and Empowered Stewards in Schools).
Ayon sa Cardinal, bukod culture of dialogue para sa pagtuturo ng mga aralin sa mga mag-aaral ay mahalaga rin ito sa pagkakaroon ng pagkakapatiran at maayos na ugnayan sa tahanan at pamayanan.
“Quite obviously the culture of dialogue towards fraternity, sorority and sharing the common home should be explicated as part of the teaching, in our bible courses, in catechism, in religion classes but also in the human and social sciences even in the physical sciences to see how we are all interconnected we are one family and especially with the imperative of the faith,” ang bahagi ng talumpati ni Cardinal Tagle.
Paliwanag ni Cardinal Tagle, dahil sa pangkalahatan ang dulot ng pandemya ay nangangailangan rin ito ng pangkalahatang pagsisikap na matugunan ang krisis lalu na sa mga higit na ngangailangan.
“But when there is lack of dialogue, when there are borders that we set up, if I do not see a neighbor, a brother or a sister or someone who is in need how could we address a pandemic, wala the pandemic will just continue. A pandemic also requires a pandemic response as well a general response and it has to be done with dialogue,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Giit ng Cardinal kung hindi iiral ang culture of dialogue sa kasalukuyang panahon ng pandemya ay maari pa itong patuloy na magdulot ng mas malawak ng suliranin hindi lamang sa usapin ng kalusugan kundi sa pagkakalantad ng mga pagkukulang at kawalan ng pakialam sa kapwa ng sangkatauhan.
Ayon kay Cardinal Tagle higit na kinakailangang maipamalas ng bawat isa ang pagiging isang mabuting Kristyano ngayong mayroong pandemya kung saan mahalagang makipag-ugnayan sa kapwa upang makatugon sa pangangailangan lalau na mga nagigipit sa buhay.
“The pandemic COVID is asking from each one of us the best that is in you and not to keep it to yourself but to share it, that’s the culture of dialogue,” ayon pa kay Cardinal Tagle.
Kasabay ng pagtatapos ng pagtitipon ay ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng organisasyon sa pangunguna ni Sr. Ma. Marissa R. Viri, RVM-ang bagong pangulo ng CEAP.