Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang kultura ng karahasan laban sa mga mamamahayag

SHARE THE TRUTH

 447 total views

Mga Kapanalig, maliban sa pagging Araw ng mga Yumao, ang ikalawang araw ng Nobyembre ay itinuturing ding “International Day to End Impunity for Crimes Against Journalists.” Sa pamamagitan ng isang resolusyon, hinihikayat ng United Nations ang mga bansang kasapi nito na na magsagawa ng mga hakbang upang matigil ang kultura ng karahasan laban sa mga mamamahayag.

Dito sa Pilipinas, lumalabas sa mga pag-aaral na sa loob ng nakaraang sampung taon, isa lamang sa bawa’t sampung kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag ang nauwi sa conviction o pagpapanagot sa pumatay. Marahil ay sariwa pa sa inyong alaala ang malagim na Maguindanao massacre na naganap noong 2009 at itinuturing sa buong mundo bilang pinakamadugong kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag.

Bakit kaya sadyang nais bigyang-pansin at halaga ng United Nations ang isyu ng karahasan laban sa mga mamamahayag? Balikan natin ang papel, tungkulin, at halaga ng media o ng komunikasyon sa ating buhay-panlipunan. Itinuturing ang media bilang isang mahalagang haligi ng demokrasya sapagkat ito ang kumakatawan ng kalayaan sa pamamahayag na isang saligang karapatan ng bawat mamamayan. Araw-araw, sa media tayo kumukuha ng impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa ating lipunan. Dahil sa teknolohiya, lalo pang lumalawak ang ating kaalaman hindi lamang tungkol sa mga nagaganap sa ating bansa kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kung wala ang media, mistulang napakaliit ng ating mundo at magiging limitado ang alam ng mga tao upang makalahok sila sa mga pagpapasya tungkol sa mga pampublikong usapin. Sa madaling salita, hindi posible ang demokrasya kung wala ang media.

Ang media ay tinitingnan rin bilang tagasubaybay sa mga kilos ng pamahalaan. Sapagkat may angking malaki at malawak na kapangyarihan ang gobyerno, ang media ang tumatayong tagamasid, tagabantay, at tagapaghatid ng impormasyon sa mga mamamayan. Kung hindi ginagawa ng media ang kanyang tungkulin o kaya naman ay kung kontrolado ng gobyerno ang media, kayang-kaya ng gobyernong abusuhin ang kapangyarihan nito upang gumawa ng mga masasama at tiwaling bagay nang hindi nalalaman ng taong-bayan. Kung pinapatay o pinatatahimik ang mga mamamahayag, ito ay indikasyon na may nagaganap na ‘di makatarungan o ‘di wasto sa isang lipunan. Kung nagiging laganap ang pagpatay sa mga mamamahayag, nararapat lamang na mabagabag ang mga tao.

Gayunman, may isang mamamahayag na nagsabi kamakailan sa isang panayam na tila ba laganap sa kanilang hanay ngayon ang pangingimi. Matatandaang noong bagong halal si Pangulong Duterte, nakapagbitiw siya ng salita na ang mga mamamahayag na napapatay ay maaring tiwali kaya sila napapatay. At ngayong mainit ng usapin tungkol sa extra-judicial killings na bumibiktima ng mga ordinaryong tao, sinasabing nakakaapekto ito sa paglaganap ng tinatawag na culture of impunity, sapagka’t hindi napapanagot at tila ba ‘di na kailangang papanagutin ang mga pumapatay sa karaniwang mamamayan. Pangamba ng mamamahayag, ganito rin marahil ang maaaring sapitin ng mga napapatay na mamamahayag.

Itinuturo ng ating Simbahan na ang tunay na pamamahayag at komunikasyong panlipunan ay maituturing na isang paglalakbay mula sa kaguluhan at ‘di pagkakaunawaan ng Babel tungo sa kaliwanagan at pagkakapatiran ng Pentekostes. Ang bunga ng makatotohanang pamamahayag ay kaliwanagan sapagka’t ang katotohanan ay naibubunyag at naipaaalam sa nakararami na silang kikilatis sa kung ano ang totoo at alin ang matuwid. Ang wastong komunikasyon at pamamahayag ay magdadala sa atin sa pagkakaunawaan dahil sa kapangyarihan ng Espiritu na sugo ni Hesus.

Kaya naman, mga Kapanalig, sa panahong ito kung kailan tila ‘di mawari ng mga tao kung ano ang paniniwalaan, kailangan natin ng mga mamamahayag na puspos ng Espiritung ito. Kailangan natin ang mga mamamahayag na may tibay ng loob upang samahan tayo sa ating pagtawid mula sa kalituhan ng Babel tungo sa liwanag ng Pentekostes.  

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagbabalik ng pork barrel?

 5,075 total views

 5,075 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 10,874 total views

 10,874 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 29,433 total views

 29,433 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 42,664 total views

 42,664 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »

3 Planetary Crisis

 48,805 total views

 48,805 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagbabalik ng pork barrel?

 5,076 total views

 5,076 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mag-ingat sa fake news

 10,875 total views

 10,875 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 29,434 total views

 29,434 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sss Premium Hike

 42,665 total views

 42,665 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

3 Planetary Crisis

 48,806 total views

 48,806 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Generation Beta

 53,100 total views

 53,100 total views Mga Kapanalig, ang mga isisilang simula ngayong 2025 hanggang 2039 ay kabilang na sa bagong henerasyon na kung tawagin ay Generation Beta.  Sinusundan nila ang mga Gen Alpha na ngayon ay edad 15 pababa (o mga ipinanganak umpisa 2010) at ang mga Gen Z na nasa pagitan ng 16 at 30 taong gulang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malusog na bagong taon

 54,499 total views

 54,499 total views Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon.  Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot. Kung may isang mainam

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Polusyon sa bagong taon

 52,842 total views

 52,842 total views Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran. Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The End Of Pork Barrel

 61,484 total views

 61,484 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paasa At Palaasa

 71,044 total views

 71,044 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

New year’s resolution para sa bayan

 91,007 total views

 91,007 total views Happy new year, mga Kapanalig! May mga new year’s resolutions ba kayo? Anumang pagbabago ang nais ninyong simulan, sana ay matupad ninyo ang mga ito. Ano naman ang new year’s resolution mo para sa ating bayan ngayong 2025? Nakakapagod ang nagdaang taon, hindi ba? Naging maingay ang mga namumuno sa ating gobyerno. Nagbatuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May mangyari kaya?

 110,721 total views

 110,721 total views Mga Kapanalig, kung sinubaybayan ninyo ang labintatlong pagdinig na ginawa ng tinatawag na quad committee (o QuadComm) ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan tungkol sa mga extrajudicial killings (o EJK) kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte, nanlumo siguro kayo sa dami at bigat ng mga inakusa sa mga sangkot. Humantong ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kilalanin ang mga haligi ng bayan

 110,692 total views

 110,692 total views Mga Kapanalig, ngayon ay Rizal Day, ang araw kung kailan inialay ng ating pambansang bayani ang kanyang buhay para sa bayan. Sa araw na ito noong 1896, pinatay sa pamamagitan ng firing squad si Gat Jose Rizal sa Bagumbayan o mas kilala ngayon bilang Rizal Park. Pinatawan siya ng parusang kamatayan ng pamahalaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nabibili Ba Tayo?

 67,228 total views

 67,228 total views Kapanalig, bago pa sumapit ang kapaskuhan o advent season ay nagpaparamdam na ang mga kandidato para sa 2025 midterm elections. Maingay na sa social media, laganap na ang adbocacy ads sa mga telebisyon at radio maging sa print media lalu na ang mga nakasabit na tarpaulin. Pinaghahandaan na natin ang midterm election sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

2025 Jubilee

 66,584 total views

 66,584 total views Idineklara ni Pope Francis ang taong 2025 na “Jubilee year” na may temang “Pilgrims of Hope”. Ang Jubilee year ay isang espesyal na taon ng grasya at paglalakbay. Harangin ng Santo Papa na sa Jubilee year ay manaig ang greater sense of global brotherhood at pakikiisa sa mga mahihirap at matutunan ang pangangalaga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top