Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang pagpapaulan ng bala

SHARE THE TRUTH

 215 total views

Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakararaan nang 14 na magsasaka ang pinatay sa Negros Oriental sa loob lamang ng isang gabi. Naganap sa iba’t ibang bayan ang sabay-sabay na operasyong isinagawa ng mga pulis at sundalo sa probinsya bilang bahagi ng Oplan Sauron, ang anti-criminality drive ng mga awtoridad kontra loose firemarms.

Masaker ang tingin ng marami sa nangyari, bagay na itinanggi ng PNP. Bitbit daw ng mga pulis at sundalo ang 36 na search warrants nang isinagawa nila ang mga operasyon sa iba’t ibang bayan sa buong Negros Oriental. Maliban sa mga napaslang, mayroon silang nadakip na 16 pang indibidwal at nakasabat sila ng mahigit 50 armas at pampasabog. Patunay din daw ang isang nasugatang pulis na nanlaban ang mga suspek na humantong sa pagkakapatay sa kanila. Iniuugnay ang mga pinatay sa mga grupong nagpaplano raw na itumba ang mga sundalo at pulis sa lalawigan. Miyembro raw sila o kaya nama’y tagasuporta ng New People’s Army o NPA. Mariing itinanggi ng mga kaanak ng mga pinatay na kasapi ang mga biktima ng rebeldeng grupo.

Sunud-sunod ang mga kumundena sa mga nangyaring pagpatay sa Negros Oriental. Ayon sa isang mambabatas, halos 200 magsasaka na ang napapatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Kabilang rito ang siyam na magsasakang pinaulanan ng bala at pinatay sa Sagay, Negros Occidental noong Oktubre. Hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa mga magsasaka—mga pulis at sundalo ba? Mga rebeldeng grupo? O ang private army ng mga may-ari ng hacienda? Noong Disyembre naman, anim na sinasabing mga magsasaka rin ang napaslang sa Negros Oriental sa mga operasyong bahagi ng Oplan Suron.

Kinundena ng Northern Negros Alliance of Human Rights Advocates ang halos sunud-sunod na pagpatay sa Negros. Ayon sa grupo, may pressure daw sa mga sundalo at pulis na maabot ang kanilang quota bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga komunista sa Negros. Para naman sa National Council of Churches in the Philippines, hindi tamang iugnay agad sa NPA ang mga magsasakang biktima gayundin ang mga indibidwal at grupong pumupuna sa pamahalaan. Nagsasagawa na ng independent investigation ang Commission on Human Rights o CHR sa insidente.

Mga Kapanalig, labing-apat, siyam, anim, o kahit man lang isang taong pinatay at pinagkaitan ng pagkakataong dumaan sa proseso sa batas, mariing kinukundena ng Simbahan ang paglapastangan sa buhay ng tao. Hindi tayo mapapagod na ipaalalang maipatutupad ang batas nang makatao, nang kinikilala pa rin ang dignidad ng taong nais papanagutin sa batas. Nakatungtong ang pagpapahalaga natin sa buhay sa katotohanang lahat ay nilikha ng Diyos.

Hindi rin kailanman mabibigyang-katwiran ang pagpatay para lamang matupad ang nais na mangyari ng pamahalaan. Hindi makakamit ang kapayapaan at hindi matutuldukan ang kriminalidad—gaya ng sinasabing layunin ng Oplan Sauron—sa pamamagitan ng walang habas na pagpatay sa tuwing magsasagawa ng operasyon ang mga tagapagpatupad ng batas. Gaya ng ipinapaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan, “ang kapayapaan ay bunga ng katarungan.” Huwad ang kapayapaang nakakamtan sa pamamagitan ng pagkuha sa buhay ng iba, lalo na ng mga inosente. Hindi mauubos ang mga kriminal at rebelde kung magbubunga lamang ng mga balo at ulila ang hakbang ng pamahalaan.

Mga Kapanalig, magiging mapayapa at makatarungan ang ating lipunan kung tunay tutugunan ng pamahalaan ang mga ugat ng kahirapang nagtutulak sa mga taong kumapit sa patalim, kung pakikinggan nito ang hinaing ng mga mamamayan, at kung magiging matapat ang mga tagapagpatupad ng batas sa kanilang tungkuling itaguyod ng karapatan ng lahat sa halip na magpaulan ng bala at maghasik ng takot at karahasan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,465 total views

 16,465 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,121 total views

 31,121 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,236 total views

 41,236 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,813 total views

 50,813 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,802 total views

 70,802 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 16,466 total views

 16,466 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,122 total views

 31,122 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,237 total views

 41,237 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,814 total views

 50,814 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,803 total views

 70,803 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,387 total views

 47,387 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,412 total views

 42,412 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,981 total views

 45,981 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,436 total views

 58,436 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,503 total views

 69,503 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,822 total views

 75,822 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,434 total views

 80,434 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,994 total views

 81,994 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,555 total views

 47,555 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,174 total views

 69,174 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top