Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang pananakot at pagpapatahimik

SHARE THE TRUTH

 206 total views

Mga Kapanalig, isang umiinit na usapin nitong mga nakaraang araw ang pagpapangalan sa ilang personalidad na kabilang sa mga progresibong grupo bilang kasapi umano ng Communist Party of the Philippines at ng armadong grupo nito, ang New People’s Army (o NPA). Ang pangulo mismo ang nagpangalan sa isang partylist representative bilang kasapi ng Partido Komunista at ang kinakatawan niyang partylist group bilang front organization.  Ang ganitong mga akusasyong tinatawag na redtagging—“red” dahil pula ang kulay na naiuugnay sa mga komunista—ay ‘di lamang mapanira sa salita. Inilalagay din nito sa panganib ang buhay ng mga inaakusahan.



Nitong nagdaang mga araw, may naganap na dalawang insidenteng kinasangkutan ng mga aktibistang iniuugnay ng pamahalaan sa Partido Komunista. Isa rito ay humantong sa pagkasawi ni Jevilyn Campos Cullamat, bunsong anak ng isang mambabatas na miyembro ng Bayan Muna at kabilang sa tribong Manobo. Si Jevilyn ay sinasabing isang medic o nanggagamot sa mga miyembro raw ng NPA. Napatay si Jevilyn sa isang enkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at ng NPA sa Surigao del Sur. Matapos siyang mapaslang, kinunan pa ng retrato ang kanyang bangkay na tila may hawak na armas sa harap ng mga nakahilerang mga sundalo.[1]

Ang ikalawang insidente ay ang pagdakip kay Amanda Echanis, anak naman ng lider-pesanteng si Randy Echanis na kamakailan lang din ay napaslang. Dinakip ang nakababatang Echanis, na kapapanganak pa lamang sa isang-buwang gulang na sanggol, noong Miyerkules sa Baggao, Cagayan, sa bintang na illegal possession of firearms and explosives.  Mariin namang nanindigan ang Anakpawis na grupong kinabibilangan ng mag-amang Echanis na ang mga armas na sinasabing natagpuan sa tinitirhan ni Amanda ay itinanim ng mga umaresto sa kanya.[2]

Lubhang nakababagabag ang mga kaganapang ito.  Una, ang mga nasasangkot ay kabilang sa sektor ng kabataan at mga babae. Anak sila ng mga kilaláng aktibista rin. Ikalawa, sila ay tumutulong sa mga komunidad at mga sektor na mahihirap, katulad ng mga katutubo at mga mambubukid. Ikatlo, naging lantad sa nangyari kay Jevilyn ang kawalan ng paggalang sa dignidad at pagkatao ng biktima sa kamay ng mga alagad ng batas.

Tila malinaw ang mensaheng pinahahatid ng mga pangyayaring ito lalo na sa konteksto ng mga nagaganap na protesta ng mga estudyante sa mga malalaking pamantasan sa Maynila. Tiyak na mag-aalala at matatakot pati ang mga magulang. Sinong magulang ang hindi gugustuhin pang ipagpalit ang sariling buhay mailigtas lang ang buhay ng anak? Lalong matindi ang pananakot kung ang kabataan ang pinupuntirya.

Sa kabila ng matitinding problemang kinakaharap ng bansa ngayon, nakatutulong ba o nakadaragdag pa sa mga alalahanin at pagdurusa ng mga mamamayan ang pananakot at pagtugis sa mga sinasabi ng pamahalaang kaaway nito? Ang gusto ba ng pamahalaan ay tumiklop lang at tumahimik ang ating mga kabataan kahit na may nakikita silang mali at dapat iwasto sa ating lipunan?

Sa pagtugon sa mga suliranin at kawalan ng katarungan sa lipunan, itinataguyod sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang tinatawag nating “active non-violence” o ang mapayapa ngunit aktibong pagkilos at pagsusulong ng makataong lipunan, hindi ang pananahimik sa gitna ng karahasan at pagkakait ng katarungan sa mga dukha. Ito ang ginagawa ng marami sa ating kabataan. Nakikita ito sa kanilang pagpanig at pakikiisa sa mahihirap, pag-oorganisa at paglilingkod sa mga komunidad, at mapayapang pagpoprotesta at pagpapanagot sa mga pamahalaan. Nag-aaral sila upang makapaglingkod sa bayan balang araw. Kailangan sila ng ating Inang Bayan. Hindi sila dapat tinatakot, hindi sila dapat pinatatahimik.

Mga Kapanalig, gaya ng mababasa natin sa Mateo 25:31-46, si Kristo man ay nagpapaalala sa ating sa huling paghuhusga, ang magiging pamantayan Niya ay kung paano tayo nagpakita ng pagmamahal, pagkalinga at pakikiisa sa mga nagugutom, maysakit, nakapiit, at walang matuluyan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 34,440 total views

 34,440 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 45,515 total views

 45,515 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 51,848 total views

 51,848 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 56,462 total views

 56,462 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 58,023 total views

 58,023 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 34,441 total views

 34,441 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 45,516 total views

 45,516 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 51,849 total views

 51,849 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 56,463 total views

 56,463 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 58,024 total views

 58,024 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,177 total views

 43,177 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 65,840 total views

 65,840 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,416 total views

 71,416 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 76,897 total views

 76,897 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,010 total views

 88,010 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,009 total views

 84,009 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,711 total views

 71,711 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,193 total views

 80,193 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,252 total views

 73,252 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,176 total views

 80,176 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top