Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang reklamasyon sa Manila Bay

SHARE THE TRUTH

 939 total views

Mga Kapanalig, kasama ba kayo sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha nitong mga nakaraang linggo? Usap-usapan na naman ang mga itinuturong dahilan ng tila lumalalang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa. Dito sa Luzon, isang sanhi raw ng pagbaha ang land reclamation o pagtatambak ng lupa sa Manila Bay. 

Matapos ang ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr. noong Hulyo, marami ang nadismaya sa hindi pagbanggit ng mga isyung pangkalikasan katulad ng reklamasyon sa Manila Bay. Matagal nang panawagan ng mga civil society organizations at mga siyentipiko ang pagtigil sa mga reclamation projects na nakapipinsala sa coastal ecosystems at hanapbuhay ng mga mangingisda. 

Nitong Agosto naman, nagpahayag ng pagkabahala ang US Embassy sa mga reclamation projects sa Manila Bay lalo na’t sangkot ang China Communications Construction Co. (o CCCC), isang kumpanyang blacklisted ng Amerika dahil sa papel nito sa pagtatayo ng mga artificial islands sa South China Sea. Markado rin ng World Bank at Asian Development Bank ang Chinese company na ito sa tiwaling business practices. Sinasabing ang CCCC, sa pamamagitan ng subsidiary company nito, ay may 318 ektaryang mixed-use development project na kasama diumano ang kumpanya ng negosyanteng si William Gatchalian na ama ni Senador Win Gatchalian. Gaya ng inaasahan, agad na dinipensahan ng senador ang proyekto at sinabing dumaan daw iyon sa tamang proseso.

Bilang tugon sa mga panawagan ng iba’t ibang grupo, kasalukuyang isinasagawa ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ang cumulative impact assessment o pagsusuri sa pinagsama-samang epekto ng mga reclamation projects sa Manila Bay. Pahayag ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, naproseso ang bawat proyekto nang walang pagsasaalang-alang sa kabuuan at pinagsama-samang epekto ng mga ito. 

At nitong nakaraang linggo, sinuspinde ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay, maliban sa isang proyekto. Aniya, sumasailalim sa pagsusuri ang mga ito dahil sa nakitang mga problema sa pagsasagawa ng maraming proyekto. Nilinaw naman ng DENR na lahat ng 22 reclamation projects sa Manila Bay ang sinuspinde matapos manawagan ng transparency ang iba’t ibang grupo sa nasabing exempted na proyekto. Gaya ng sinabi ng grupong Kalikasan People’s Network for the Environment, ang ginawang paglilinaw na ito ng DENR ay isang halimbawa kung paano nagagawa ng kolektibong pagkilos ng mga concerned citizens na magsulong ng mga patakarang mangangalaga sa ating kapaligiran, sa ating common home. Sang-ayon din tayo sa pagsasagawa ng cumulative impact assessment ng DENR dahil ayon nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, hindi natin maaaring baguhin ang isang bahagi ng ecosystem nang hindi isinasaalang-alang ang epekto nito sa iba pang mga bahagi. Lahat ay magkakaugnay. 

Hindi natatapos sa suspensyon ng mga reclamation projects ang laban para sa pangangalaga sa kalikasan, kabuhayan ng mga mangingisda, at kapakanan ng ating mga komunidad. Batay sa mga pag-aaral at karanasan ng mga apektadong sektor, hindi sapat ang pansamantalang pagpapatigil sa mga land reclamation projects sa Manila Bay. Kailangang permanenteng itigil ang mapaminsalang reklamasyon. Kailangang isama rin sa pagsusuri ng gobyerno ang mga mamamayan, lalo na ang mga apektadong komunidad. Gawing prayoridad sana ng pamahalaan ang kapakanan ng kalikasan at mga komunidad, at huwag sanang manaig ang vested interest ng mga nasa poder at ang kikitain ng mga kumpanya. Gaya nga ng sinabi sa Levitico 25:23, hindi natin maipagbibili nang lubusan ang lupaino ang  baybayinsapagkat ito ay sa Diyos. 

Mga Kapanalig, patuloy nating ipaalala sa gobyerno ang obligasyon nitong paglingkuran ang publiko. Tanungin natin: para kanino nga ba ang mga sinasabing development projects katulad ng reklamasyon sa Manila Bay? Para kanino nga ba ang sinasabing pag-unlad na idudulot ng mga ito?  

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,477 total views

 5,477 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,592 total views

 15,592 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 25,169 total views

 25,169 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,158 total views

 45,158 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 36,262 total views

 36,262 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,478 total views

 5,478 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,593 total views

 15,593 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 25,170 total views

 25,170 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,159 total views

 45,159 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 36,263 total views

 36,263 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,088 total views

 40,088 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,657 total views

 43,657 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,113 total views

 56,113 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,180 total views

 67,180 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,499 total views

 73,499 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,111 total views

 78,111 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,672 total views

 79,672 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,233 total views

 45,233 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,894 total views

 67,894 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,470 total views

 73,470 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top