225 total views
Malaking hamon para sa CBCP Episcopal Commission On Healthcare ang patuloy pagdami ng kaso ng HIV/AIDS sa Pilipinas.
Dahil dito hinimok ni Rev. Father Dan Vicente Cancino, MI – Executive Secretary ng komisyon ang mamamayan na simulan sa simple at kongkretong aksiyon ang pagtulong sa mga HIV/AIDS patients.
Aminado si Father Cancino na hindi sapat ang mga diskusyon at pagpaplano, sa halip dapat magkaroon ng sistematikong aksiyon ang pamahalaan, mamamayan lalo na ang Simbahan para sa mga HIV/AIDS patients.
“Dapat concrete steps, at hinahamon tayo, ano yung concrete steps na gawin sa kanila? Hindi sapat yung discussion lamang, hindi sapat yung pag-usapan lamang natin sila. Noong nakita natin sila, napagnilayan natin yung ating pananampalataya, at turo ng katolikong simbahan. Pagkatapos nung important step na yun, ang pinaka important ay yung act, ano pa yung magagawa natin?” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.
Iginiit ng pari na ang pagsugpo sa diskriminasyon na dinaranas ng mga pasyente ay napalaking tulong upang ipadama sa mga ito ang awa at pagmamahal ng Panginoon. “Let’s stop the stigma and discrimination, tao din sila katulad natin, nilikha din ng Panginoon katulad din natin may dignidad rin sila kaya kung ganoon ang pinagmumulan natin may respeto tayo sa bawat tao, at yung respetong yon, bumubunga yon ng mas kongkretong pagkalinga sa kanila,” pahayag ni Father Cancino sa Radyo Veritas.
Kaugnay nito, nagpahayag ng pasasalamat, pakikiisa at suporta si Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa misyon ng Simbahang Katolika na sugpuin ang lumalaganap na epidemya ng HIV/AIDS sa bansa.
Ayon sa kalihim ng DOH, ang pagsasama-sama ng Catholic organizations at interfaith groups ay malaking tulong sa pamahalaan upang mapalawak ang pagkilos sa pagsugpo sa HIV/AIDS.
“We commemorate all the initiatives towards awareness and information and education and we would like to partner with all sectors in this campaign to actually inform our people and make them aware of the HIV AIDS epidemic,”pahayah ni Sec. Ubial sa Radyo Veritas.
Ayon sa kalihim, nakapagtala ang D-O-H ng 300 bagong kaso ng HIV/AIDS sa bansa kada araw.
Dahil dito lubos na nagpapasalamat ang kalihim sa mga inisyatibo ng Simbahan sa pagpapalaganap ng kamalayan lalo na sa mga kabataan na pinaka-apektado ng sakit.
“We hope, the partnership with the church and the interfaith group that we can quelle and stop this epidemic here in the Philippines. So congratulations to our Catholic Bishops and Radio Veritas for partnering with the Department Health with this very important health intervention, the HIV AIDS advocacy and prevention and control program,” dagdag ng kalihim.