Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itotokhang ang krisis pangkalusugan?

SHARE THE TRUTH

 374 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring itinatalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na kalihim ng Department of Health (o DOH).

Sa isang pahayag halos dalawang linggo na ang nakaraan, sinabi niyang mag-a-appoint lamang siya ng DOH secretary kapag bumalik na sa normal ang kalagayan ng bansa sa gitna ng krisis-pangkalusugan na dala ng COVID-19 pandemic. Gusto raw niyang maunawaan ng publikong dapat “i-normalize… ang trabaho ng gobyerno” dahil hindi naman lahat ng nangyayari ay maituturing na krisis. Tinitiyak daw ng pangulong magagampanan ng gobyerno ang trabaho nito nang walang gulo.

Pero hindi ba’t mas kailangan ngang magkaroon ng malinaw na direksyon ang isang departamentong katulad ng DOH dahil malaki pa rin ang problemang kinakaharap natin sa sektor ng kalusugan? Hindi pa rin tapos ang pandemya. Marami pa rin ang nahahawa at may mga pagkamatay na naiwasan sana. Kailangan natin ng mga dalubhasa sa DOH, mga ekspertong nagtutulungan upang tuluyang makabalik sa normal ang ating buhay.

Kaya naman, palaisipan kung bakit isang dating pulis ang itinalaga ni PBBM bilang undersecretary ng DOH. Siya ang dating hepe ng Philippine National Police na si Camilo Cascolan. Kilala si Usec Cascolan bilang malapít na kaibigan ng noon ay PNP Chief at ngayon ay Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Sila ang itinuturing na arkitekto ng Oplan Double Barrel, ang pangunahing balangkas para sa pagpapatupad ng “war on drugs” ng dating administrasyong Duterte.

Interesado tayong malaman kung anu-ano ang gagawin ng isang dating pulis sa posisyong ipinagkatiwala sa kanya. May mga nagdududa sa kanyang kakayahan, at hindi ito maiiwasan dahil ibang larangan ang kalusugan sa pagpapanatili ng kaayusan at pagsugpo sa krimen. Magkakaroon din ba ng mala-tokhang na programa ang DOH? Tandaan nating hanggang katapusan pa ng taóng ito ang state of calamity dahil na rin sa COVID-19, at ibig nitong sabihin, matindi pa rin ang problemang dala ng COVID-19 at kailangan na kailangan ang agaran at maayos na pagtugon.

Binibigyang-diin sa Pacem in Terris, isang Catholic social teaching, na ang pangunahing tungkulin ng anumang pampublikong awtoridad ay ang pagtatanggol sa mga karapatan ng mga tao—kabilang ang karapatang magkaroon ng maayos na kalusugan. At gaya sa anumang larangan, mahalagang marunong at mahusay ang mga taong napiling maglingkod sa pamahalaan upang magampanan ang kanilang tungkulin at tunay na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Sa krisis na kinakaharap natin ngayon—hindi lamang sa usaping pangkalusugan kundi sa kalagayan ng ating ekonomiya—importanteng ginagabayan tayo ng mga taong may karanasan, husay, at integridad. Nakalulungkot na naging kalakaran na sa ating pamahalaan ang pagpili ng mga lingkod-bayan batay sa kanilang kaugnayan sa mga nakaupo—mga kamag-anak, kaibigan, kasosyo, at kakilala.

Malayo pa nga talaga ang tatahakin ng Pilipinas upang maging tunay na propesyunal ang ating burukrasya. Sa mga pamantayan nga ng World Bank, ang pagkakaroon ng tinatawag na professionalized bureaucracy ay mahalaga upang maging epektibo ang mga ginagawa ng pamahalaan. Itinataas nito ang kalidad ng serbisyo-publiko dahil hindi ito nagpapa-impluwensiya sa pamumulitika, nagagamit sa tama ang pondo ng bayan, at tunay itong nakatuon sa kapakanan ng mga mamamayan, hindi ang mga pabor o ganansya para sa iilan. Hindi lang sana pangarap para sa ating mga Pilipino ang magkaroon at makaranas ng ganitong uri ng pamamahala.

Kaya nga mga Kapanalig, kung tiwala tayong ang ibinoto ng nakararaming Pilipino ay ang mga taong may kakayahan, mapagkakatiwalaan, at ‘di masusuhulan—katulad nga ng ipinapaalala sa atin sa Exodo 18:21—makatitiyak din tayong ganoon din ang pipiliing katuwang ng mga nasa poder ngayon. Kung hindi naman, ang tanging magagawa natin sa ngayon ay bantayan sila at bigyan ng benefit of the doubt.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 28,307 total views

 28,307 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,963 total views

 42,963 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,078 total views

 53,078 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 62,655 total views

 62,655 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,644 total views

 82,644 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 28,308 total views

 28,308 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,860 total views

 2,860 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,964 total views

 42,964 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,079 total views

 53,079 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 62,656 total views

 62,656 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,645 total views

 82,645 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,474 total views

 48,474 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,499 total views

 43,499 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,068 total views

 47,068 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,523 total views

 59,523 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,590 total views

 70,590 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,909 total views

 76,909 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,520 total views

 81,520 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,080 total views

 83,080 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,641 total views

 48,641 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top