180 total views
Hinamon ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga pari, relihiyoso at relihiyosa na sikaping ituon ang pamumuhay sa Panginoong Hesus.
Ito ang inihayag ng Arsobispo sa pagninilay sa banal na misa para sa mga namayapang pari, relihiyoso at relihiyosa ng Archdiocese of Manila, na ginanap sa Chapel ng Arzobispado de Manila sa Intramuros, ika-8 ng Nobyembre.
“Let us practice now the dispositions that will make us really focused on eternity, which is not the afterlife, which is not the after world but, very concretely Jesus in us.” pagninilay ni Cardinal Tagle.
Ayon sa Kardinal, minahal at tinanggap ng Panginoong Hesus ang mga tao sa kabila ng hindi kaaya-ayang kalagayan nito.
Umaasa ang Kardinal na matularan ng mga mananampalataya lalo’t higit ng mga pari, relihiyoso at relihyosa.
“I love you even if it’s not pleasurable, even if it’s not useful for me, in fact you are a liability to me but I’m not thinking of that, I’m not thinking of what comes back to me I’m thinking of you so it’s literally I love you…This is what Jesus did to us… And we hope that we grow in that other directed action of life called love for that is an experience of eternal life.” Pahayag ng Kardinal.
Ang banal na misa para sa mga yumaong pari, relihiyoso at relihiyosa, ay bahagi na ng kaugalian ng Archdiocese of Manila.
Batay sa fourth edition ng Enchiridion of Indulgences, 1999, ang mga mananampalatayang mananalangin para sa mga kaluluwa sa purgatoryo at bibisita sa mga sementeryo mula unang araw hanggang ikawalong araw ng Nobyembre ay makatatanggap ng Plenary Indulgence.
Samantala, ang buong buwan ng Nobyembre ay itinalaga ng simbahan upang alalahanin at ipanalangin ang lahat ng namayapa at mga kaluluwa sa purgatoryo.