300 total views
Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na huwag magpaapekto sa mga pagbabago sa mga gawain ng simbahan ngayong kuwaresma bilang pag-iingat sa kumakalat ng corona virus disease.
Sa pahayag ng obispo sa social media, binigyang diin nito na dapat nakatuon pa rin ang mananampalataya sa tunay na diwa ng pagdiriwang ang pagbabalik loob sa Panginoon.
“There may be changes in some of the church practices that we do, but let us not be side-tracked by these discussions from the real meaning of the season of Lent which is a season of grace and conversion. Let us go to the core meaning of our rites rather than be confused by changed external practices,” pahayag ni Bishop Pabillo.
Sa panuntunang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ibubudbod sa ulo ang abo sa halip na ipapahid sa noo bilang bahagi ng pag-iingat ayon na rin sa panawagan ng World Health Organization.
Paliwanag ni Bishop Pabillo, batay sa bibliya na karaniwang ginagawa sa ibang mga Simbahan sa mundo, sa ulo nilalagay ang abo gayunpaman hindi iginiit ng obispo na hindi nagbabago ang kahulugan nitong pagpapanibago sa sarili.
“In the Bible and in many churches in the world, the ashes are put on the top of the head, not on the forehead. More than where the ash is imposed and in what manner, the meaning is the same. The ashes imposed on us is a call to humility and repentance,” dagdag ng obispo.
Bukod sa Miyerkules ng Abo, maari ring maapektuhan ang malaking pagtitipon ng Simbahan tulad ng mga kumpisalang bayan, prusisyon, Daan ng Krus at iba pa.
Tiniyak naman ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) na walang banta sa kalusugan ang pagpapatuloy ng gawaing simbahan dahil walang naitalang kaso ng local transmission sa bansa.
Mahigpit na ipinaalala sa mamamayan ang ibayong pag-iingat at sundin ang mga payo ng kagawarang pangkalusugan hinggil sa kalinisan sa katawan.
Sa paggunita ng Miyerkules ng Abo, tinatawagan ng Simbahan ang mananampalataya na magtika, manalangin at magbigay ng limos sa nangangailangan bilang pakikiisa sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus.
“Let us not be side-tracked by the corona virus in living the season of grace this lent,” ayon kay Bishop Pabillo.