17,982 total views
Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco na iwasan ang anumang hakbang na magpapalala sa karahasang nangyayari sa pagitan ng Israel at Hamas militant sa Middle East.
Ito ang panawagan ni Pope Francis kasunod ng pag-atake ng Iran sa Israel na magdudulot ng lalong pagkasira sa magkatunggaling bansa at higit na makakaapekto sa mga mamamayan sa lugar.
“I make a heartfelt appeal to halt any action that might fuel a spiral of violence, with the risk of dragging the Middle East into an even greater military conflict,” pahayag ni Pope Francis sa ginanap na Regina Prayer sa Vatican.
Ayon kay Israel Defense Forces (IDF) spokesperson Daniel Hagari, mahigit sa 300 projectiles kabilang ang 170 drones at 120 ballistic missiles o tinatayang 350 rockets mula Iran, Iraq, Yemen, at Hezbollah ng Lebanon ang ginamit sa pag-atake sa Israel na karamihan ay napigilan ng Israel’s aerial defense systems.
Dalangin ni Pope Francis na matigil na ang karahasan sa Gaza Strip na ikinasawi ng nasa 33-libong katao.
“Let there be a ceasefire in Gaza soon, and let us pursue the paths of negotiation, with determination. Let us help that population, plunged into a humanitarian catastrophe; let the hostages kidnapped months ago be released! So much suffering! Let us pray for peace. No more war, no more attacks, no more violence! Yes to dialogue and yes to peace,” giit ng santo papa.
Umaasa ang punong pastol ng simbahan na magtululngan ang bawat bansa sa mundo na isulong ang pagkakasundo sa pagitan ng Israel at Palestine upang manaig ang kapayapaan sa lugar.
Kamakailan ay naglabas ng liham pastoral si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo upang pukawin ang makataong damdamin ng mamamayan hinggil sa nangyayari sa Middle East na bagamat malayo sa Pilipinas ay mahalagang makibahagi ang mga Pilipino sa pananawagan sa Israel na pahintulutan ang humanitarian aid sa Gaza lalo na ang pagdadala ng pagkain, gamot at malinis na tubig para sa mamamayang naiipit sa digmaan.
Binigyang diin ni Bishop Pabillo na bilang bahagi ng pamayanang kristiyano hindi nararapat ang pagsasawalang kibo sa mga karahasan bagkus ay dapat na makiisa sa pagsusulong ng pagpapadama ng dakilang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan.