17 total views
Isasagawa kasabay ng Kapistahan ni Santa Cecilia, patron ng musika at mga musikero, ang pagtatanghal at pagpaparangal sa finalists ng kauna-unahang Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest ng Radio Veritas 846.
Gaganapin ito sa Blessed Pier Giorgio Frassati, O.P Building Auditorium ng University of Santo Tomas sa Biyernes, November 22, 2024 mula alas-5 ng hapon.
Mula sa 100 song entries, 12 song finalists ang napili upang mapabilang sa mga bagong processional song na gagamitin sa mga Banal na Misa, tulad ng entrance, offertory, communion, at recessional songs.
Bukod dito, isasama rin ang mga awitin sa album production, at makatatanggap ng cash prizes na nagkakahalaga ng P300,000 para sa grand champion; P150,000 sa first runner-up; P75,000 sa second runner-up, habang ang nalalabing finalists ay makatatanggap ng tig-P10,000 at plaque of recognition.
Kabilang sa Top 12 finalists ang:
– Sama-sama sa Paglalakbay by Lester Frederick G. Delgado & Mae Angeline L. Delgado from Vocalismo Chorale – Santuario de San Antonio Parish, Makati City
– Masayang Magtipon sa Tahanan ng Diyos by Mikeas Kent Esteban & Maria Janine DG. Vergel from Vox Animæ – Diocesan Shrine and Parish of St. Augustine, Baliuag, Bulacan, Diocese of Malolos
– Sa ‘Yong Dambana by Jamieson R. Casacop from Mandaluyong Children’s Choir – Chapel of the Sacred Heart, Makati City, Archdiocese of Manila
– Hanguin Mo by Erik Donn Ignacio from Coro D’llera Music Ministry – Immaculate Concepcion Parish, Benguet, Diocese of Baguio
– Handog ng Bayang Hinirang by Raymond L. Marcos from Himig Pag-ibig Choir – Our Mother of Perpetual Help Parish, Diocese of Imus
– Gathered Before Your Table by Jed Dorol from Rogate et Cantate Choir – Rogationist of the Heart of Jesus, Diocese of Parañaque
– Ako’y Sa’yo by Louie So & Emil Pama from Young Christian Choir – Christ the King Parish, San Pedro Laguna, Diocese of San Pablo
– Papuri Hallelujah by Gilbert Macaraig Monfero from Manila Cathedral Choir – Minor Basilica of the Immaculate Conception (Manila Cathedral), Archdiocese of Manila
– Huwag kang Mababahala by Elmer Blancaflor & Ferdinand Cordero from PMIC Choir – Parish of Mary, The Immaculate Conception, Quezon City, Diocese of Cubao
– Let All the Peoples Praise You by Rivah-Anne N. Singson from The Orfeon Singers – Good Shepherd Parish, Las Piñas, Diocese of Parañaque
– Sama-samang Magalak by Emmanuel Fernando from Magnificat Choir – Our Lady of Holy Rosary Parish, Valenzuela City, Diocese of Malolos
– Papuri sa Mapayapang Pagkakaisa by Zaldy Dave B. Diaz from University of Santo Tomas, Archdiocese of Manila
Ang 12 finalists ay sumailalim sa pagsusuri ng preliminary screeners mula sa Philippine Women’s University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Santa Isabel College, at University of Santo Tomas.
Samantala, magsisilbi namang final judges para sa tatanghaling grand champion sina Ms. Jamie Rivera; Fr. Manoling Francisco, SJ; Fr. Carlo Magno Marcelo; Fr. Leo Nilo Mangussad; Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias, Jr.; Mr. Vehnee Saturno; at Atty. Domingo Reyes, Jr.
Una nang sinabi ni Radio Veritas President, Fr. Anton CT. Pascual, na mahalaga ang musika sa pagpapalago ng pananampalataya na siyang layunin ng Himig ng Katotohanan na may temang “Synodality: Fellowship, Participation and Mission”.