7,427 total views
Itinakda ng Diyosesis of Assisi sa Italy hanggang January 31, 2025 ang deadline sa pagpapasa online para sa Francis of Assisi and Carlo Acutis Award.
Inihayag ng Assisi Diocesan Religious Foundation o Santuario della Spoliazione na layon ng award na isulong ang “renewal of the economy” para sa lahat.
“The recognition, as provided for in the statute and regulation, is established with the aim of “promoting a renewal of the economy in the name of the universal brotherhood of all human beings starting from the condition and interests of the most humble and disadvantaged, in the perspective gospel of the unique paternity of God and his plan of love for all his children,” ayon sa mensahe ng Diyosesis ng Assisi na ipinadala sa Radio Veritas.
Ang Francis of Assisi and Carlo Acutis Award ay ang pagpaparangal na iginagawad sa mga indibidwal, grupo, samahan o pagkilos na isinusulong ang paglago ng ekonomiya na hindi nakakasira sa kalikasan.
Hinahanap sa mga mapipiling mananalo ang mga katangiang pinapalago ang kabuhayan, ekonomiya at kabuhayan ng kanilang kapwa na may pangangalaga sa kalikasan,kapakanan at dignidad ng kapwa gayundin ang kinabibilingang komunidad.
“In its last edition in May 2024, the prize was awarded to “A Graça do Trabalho” (“ The Grace of Work ”), a project born with the idea of offering decent work to young indigenous people, and, at the same time , feed children with healthier foods, typical of Amazonian cultures (seasonal fruit and vegetables, chickens and eggs, which now arrive frozen after months of long journeys, using a lot of petrol for boats and trucks with the consequent pollution of the environment),” bahagi ng mensaheng ipinadala ng Diyosesis of Assisi sa Radio Veritas
Bukod sa pagkilala, tatanggap ang mga mapipiling awardee ng premyong aabot ng 50-thousand Euros na maaring gamitin upang higit na mapaunlad ang kanilang adbokasiya.
Sa mga nais magpadala ng entries ay maaring magtungo sa website ng Diyosesis na www.francescoassisicarloacutisaward.com.
Ngayong 2024, iginawad ang parangal sa Amazonian Project na ‘The Grace of Work’ dahil sa adbokasiya ng pagbibigay ng marangal na hanapbuhay sa mga katutubo ng Amazon.
Noong taong 2022 ay napanalunan ng grupo ng mga Persons With Disability sa Diyosesis ng Pasig ang ‘Francesco of Assisi and Carlo Acutis International Prize’.