2,423 total views
Pinaigting ng Pilipinas at Japan ang pagtutulungan sa pagtugon tuwing makakaranas ng kalamidad ang dalawang bansa.
Ito tiniyak ni Department of National Defense Acting Secretary Carlito Galvez sa isinasagawang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Japan.
Ayon kay Galvez, sa pagdaraos ng limang araw na state visit ay nagkaroon siya ng pakikipag-dayalogo sa Japan Self Defense Forces (JSDF) hinggil sa mga disaster response na isinasagawa ng mga bansa.
“The said TOR (Terms of Reference) facilitates the conduct of HADR activities between the Armed Forces of the Philippines (AFP) and JSDF, where both armed forces could learn and exchange best practices on search, retrieval and rescue operations, and disaster response on the aftermath of natural and manmade disasters,” bahagi ng pahayag ng Armed Forces of the Philippines.
Nagpasalamat ang klihim kay Minister of State for Disaster Management and Ocean Policy Tani Kouichi sa patuloy na pag-agapay ng Japan sa Office of the Civil Defense na nangunguna sa Disaster Response ng Pilipinas.
Ito ay sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga joint disaster response training.
Magugunitang matatagpuan ang Pilipinas at Japan sa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung kaya’t madalas makaranas ng mga natural na kalamidad.
Kaugnay sa Disaster preparedness, unang naging aktibo ang Caritas Manila sa pagtulong sa mga nasasalanta ng kalamidad hindi lamang sa Metro Manila kungdi pati narin sa iba pang lalawigan.
Sa pagsisimula ng pandemya noong March 2020 hanggang 2021 ay umabot sa 2-bilyong piso ang nailaang pondo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayang naapektuhan ng pandemya at nasalanta ng kalamidad.