300 total views
Inindorso ng Archdiocese of Jaro ang programa ng Department of Interior and Local Government na MASA-MASID o Mamamayang Ayaw sa Anomalya Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga at ang programang UBAS o Ugnayan ng Barangay at Simbahan.
Sa Pastoral Statement ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo na may titulong “Unleashing the Power of Love and Mercy”, hinikayat nito ang mga namumuno sa simbahan, negosyante, professionals at lahat ng mga mananampalataya na maglaan ng panahon, at kanilang lakas upang matulungan ang pamahalaan sa pagsugpo sa iligal na droga.
Ayon sa Arsobispo sa pamamagitan ng Jaro Social Action center mapalalawak ang implementasyon ng Masa-Masid at UBAS.
“We must commit to greater church and state collaboration to eradicate the problem of illegal drugs.Through the facilitation of JASAC (Jaro Social Action Center), we can join hands in partnership with groups like the DILG for MASA MASID and UBAS to fight criminality, corruption, and illegal drugs,” dagdag ni Archbishop Lagdameno.
Pinasalamatan naman ni DILG Secretary Ismael Sueno si Abp. Lagdameo at ang Archdiocese of Jaro sa mainit na pagsuporta sa mga programa ng DILG.
“We are very thankful for the support of Jaro to our MASA MASID and UBAS program. It is my fervent hope that with the close collaboration of DILG and our church organizations, we will be able to win the war against illegal drugs through various approaches which include values reorientation and spiritual nourishment,” pahayag ng kalihim.
Ang MASA MASID ay isang programang humihikayat sa mga nais magvolunteer at tumulong upang mahigpit na mabantayan ang mga anomalya, korapsyon, at paglaganap ng iligal na droga sa Barangay level.
Ang naturang programa ay nagpapalawak rin sa una nang proyekto ng DILG na UBAS, sa mga lungsod at munisipalidad.
Samantala, sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 92-porsiyento ng mga barangay sa Metro Manila ay may operasyon ng iligal na droga.
Naitala naman ang mga drug-related cases sa 20.51% o 8, 629 na barangay mula sa kabuuang bilang nito na 42, 065 sa buong bansa.