Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Jubilee Mass for Workers, pangungunahan ng AMLC

SHARE THE TRUTH

 91 total views

Inaanyayahan ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) ang sektor ng mga manggagawa na makiisa sa idadaos na Jubilee Mass for Workers sa May 01 na araw ng Labor Day sa San Jose De Trozo Parish sa Santa Cruz Manila.

Ayon kay AMLC Minister Fr.Erik Adoviso, pangunahing isusulong sa gawain ang dignidad ng mga manggagawa na mahalagang pundasyon ng ekonomiya na patuloy pa ring biktima ng kontrakwalisasyon.
“Ipinagdiriwang po natin ito po kasi po, may dignidad ang mga manggagawa, tayo po bilang manggagawa sila po ay may dignidad at itong dignidad na ito ay binigay ng Diyos sapagkat ang tao ay kawangis ng Diyos pero hindi lang siya kawangis ng Diyos, sabi nga ni Saint John Paul II siya ay iniligtas ng Diyos, redeemed by Jesus Christ,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Adoviso.
Ipapagdarasal din ng Pari ang mababang provincial rate na patuloy na nagpapahirap sa mga manggagawa.

Isusulong din ng AMLC ang pagsasabatas ng 1,200-pesos kada araw na family living wage ng isang manggagawa.

“Yung sinasabi ni Saint John Paul II na magkaroon tayo ng just family wage na kung saan ay talagang malaking tulong ito sa pamilya, hindi na po kailangan mag-abroad nang isang miyembro ng pamilya para po matustusan ang kanilang ikinabubuhay, yun naman po lahat ng sinasabi ng ating Santo Papa ay turo ng simbahan kaya sana yun po ang mga pinapangarap ng mga manggagawa ngayong May 01,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Adoviso.

Sa pagdiriwang ng Jubilee Year 2025 ngayong taon na may temang ‘Pilgrims of Hope’ ay nakatakdang gunitain ng Vatican ang Jubilee for Workers simula May 01 hanggang 04.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 100,767 total views

 100,767 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 108,542 total views

 108,542 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 116,722 total views

 116,722 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 131,872 total views

 131,872 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 135,815 total views

 135,815 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 4,648 total views

 4,648 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 12,336 total views

 12,336 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 13,826 total views

 13,826 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top