305 total views
Idineklara ng Diocese ng Bayombong ang ika-18 ng Hunyo bilang ‘Day of Mourning’, ang ika-9 na araw ng pagkamatay ni Fr. Richmond Nilo, bilang pakikiisa sa pagdadalamhati ng Diocese ng Cabanatuan sa pagpaslang sa isa sa kanilang Pari.
Ayon sa inilabas na pahayag ni in-coming Bayombong Bishop Most Rev. Jose Elmer Mangalinao, DD, at ng Clergy ng Diocese of Bayombong, bawat simbahan ng Diyosesis ay itatalaga ang misa sa pananalangin para sa katarungan at kapayapaan ng kaluluwa ng mga napaslang na Pari kabilang na si Fr. Nilo.
“We call on our faithful in the Diocese of Bayombong to observe a Day of Mourning on June 18, 2018, the 9th day of the death of Fr. Richmond Nilo. On this day, we ask that all Celebrations of the Holy Mass be offered for the eternal repose of the souls of the priests being murdered, for the speedy resolution of their cases, and for peace in our country,” bahagi ng pahayag ng Diocese ng Bayombong.
Ang 15 minutong pagpapatunog ng kampana ay isasagawa alas-8 ng gabi hanggang sa ika-25 ng Hulyo kung saan pormal nang itatalaga ang bagong Obispo ng Diyosesis na si Bishop Mangalinao.
Ang panalangin ay magsisilbing panawagan para sa Katarungan at Kapayapaan ng kaluluwa ng mga Paring pinatay kabilang na sin Fr. Nilo, Fr. Marcelito Paez ng San Jose Nueva Ecija at Fr. Mark Anthony Ventura ng Archdiocese ng Tuguegarao.
“This is not the change that we wanted for our country. The death of Fr. Richmond and other victims of cold-blooded killings is crying for justice and calling us to be awake from our slumber of fear and callousness. Fear should not paralyze us. Rather, the blood that they sacrificed should strengthen us to keep the flame of faith burning in this perilous times of our church,” ayon pa sa pahayag ng Diyosesis.
Si Bishop Mangalinao na kasalukuyang Auxiliary Bishop ng Lingayen-Dagupan ay nakatakdang italaga bilang Obispo ng Bayombong.
Buwan ng Mayo nang italaga ng Kaniyang Kabanalan Francisco si Bishop Mangalinao bilang kahalili ni Bishop Ramon Villena na nagretiro noong 2016.