Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Just energy transition

SHARE THE TRUTH

 53,573 total views

Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng singil sa kuryente. Kaya naman, muling  umigting ang mga panawagang lumipat na tayo sa renewable energy bilang pinagkukunan ng kuryente.

Ang renewable energy (o RE) ay malinis at sustainable na altenatibo sa enerhiyang mula sa fossil fuels katulad ng coal, oil, at natural gas. ‘Di hamak na mas kaunti ang ibinubuga nitong polusyon at greenhouse gases na nagpapatindi sa pag-init ng mundo. At sa lumalalang krisis sa klima, alam nating ang mga mahihirap ang pinakalantad at nagdurusa sa mga epekto nito. Kaya napakahalagang maisulong ang energy transition na hindi lang malinis at sustainable kundi makatarungan din.

Isa sa mga pinaplanong RE project ngayon ay ang 2,000 ektaryang floating solar power project sa Laguna de Bay. Ang nakalulungkot, posibleng maapektuhan nito ang kabuhayan ng libu-libong mangingisda. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (o Pamalakaya), mahigit 800 na mangingisda sa bayan ng Bay sa Laguna ang nangangambang mawawalan sila ng kabuhayan dahil sa proyekto. Saad ng Pamalakaya, maaaring maapektuhan din ang mahigit 10,500 na mangingisda at manggagawa sa aquaculture sa Laguna. Haharangan daw kasi ng proyekto ang kanilang mga bangka, mawawalan sila ng access sa kanilang pangisdaan, at gigibain ang kanilang mga daungan. Ipinahayag ng grupo ang pagkadismaya sa kawalan ng konsultasyon sa mga apektadong komunidad at kawalan ng plano para sa maapektuhang kabuhayan.

Ang pinakamahihirap ang may pinakamaliit na kontribusyon sa greenhouse gases, ngunit sila ang pinakaapektado sa krisis sa klima. Patunay ito ng ‘di pagkakapantay-pantay sa mundo. Ang mga korporasyon ang kumikita sa pag-ubos ng mga likas na yaman sa mundo ngunit ang mahihirap ang nagdudusa sa masamang epekto nito. Kaya naman, higit na kailangan natin ng pagkilos na makatarungan at hindi tinatapakan ang karapatan at kabuhayan ng mga isinasantabi sa lipunan. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang mga mangingisda ang pinakamahirap na sektor sa bansa. Lalo silang maghihirap kung babalewalain natin ang kanilang boses at ang kanilang karapatang makilahok sa mga pag-uusap tungkol sa mga proyektong makakaapekto sa kanila. Sa isang makatarungan o just energy transition, dapat walang iniiwan, dapat walang isinasantabi.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diin natin ang pagkiling sa mahihirap at pagtataguyod sa kabutihang panlahat. Sa pagharap natin sa krisis sa klima, mahalagang maisulong ang energy transition mula sa fossil fuels tungo sa renewable energy. Gayunpaman, sa paglipat na ito, mahalagang isaalang-alang ang kapakanan ng mahihirap at mga bulnerableng sektor. Sa isang mensahe noong 2019, sinabi ni Pope Francis na kung maisasagawa natin nang maayos ang energy transition, maaaring makalikha ng mga bagong kabuhayan, mabawasan ang ‘di pagkakapantay-pantay sa mundo, at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga taong apektado ng climate change.

Mga Kapanalig, sa pagsusulong natin ng renewable energy, mahalagang makatarungan ang isinasagawang transition. Dapat walang maiiwan sa pag-unlad. Kinakaharap natin ngayon ang krisis sa klima dahil sa pag-ubos ng mga likas na yaman sa ngalan ng kaunlaran na pangunahing nakikinabang lang naman ay iilan. Samantala, ang mga mahihirap ang pumapasan sa mga negatibong epekto nito. Humantong tayo sa kumukulong planetang ito dahil sa pagsasantabi sa kabutihang panlahat, lalo na ang kabutihan ng mga mahihirap. Huwag nating hayaan na sila rin ay maisasantabi sa energy transition. Gaya ng salita sa Galicia 6:2: “Magtulungan [tayo] sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 30,432 total views

 30,432 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,088 total views

 45,088 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,203 total views

 55,203 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,780 total views

 64,780 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,769 total views

 84,769 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 30,433 total views

 30,433 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,979 total views

 2,979 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 45,089 total views

 45,089 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 55,204 total views

 55,204 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 64,781 total views

 64,781 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,770 total views

 84,770 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,645 total views

 48,645 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,670 total views

 43,670 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,239 total views

 47,239 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,694 total views

 59,694 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,761 total views

 70,761 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,080 total views

 77,080 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,691 total views

 81,691 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,251 total views

 83,251 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,812 total views

 48,812 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top