527 total views
Inaanyayahan ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang mga kabataan ng arkidiyosesis na makiisa sa gagawing Marian Youth Congress.
Ayon sa arsobispo ito ang pagkakataong makibahagi ang kabataan sa paglalakbay ng simbahan lalo’t ang kanilang sektor ang inaasahan sa mga susunod na henerasyon.
“I invite all the young people in our Archdiocese to join the Congress through your parishes and schools; not only for you to learn and make new friends, but for you to also become partakers in our shared journey towards a more synodal church,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Tirona.
Ang isasagawang pagtitipon ay bahagi ng paghahanda sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia at Divino Rostro sa Setyembre.
Gaganapin ang Marian Youth Congress sa September 10 at 11 mula alas kuwatro ng hapon hanggang alas sais ng umaga sa apat na magkakahiwalay na formation sites.
Ibinahagi ni Archbishp Tirona na natatangi ang gagawing congress ng mga kabataan ngayong taon sapagkat tututok ito sa formative activities na makatutulong sa pagpalago ng kaalaman at kasanayan ng kabataan sa pakikibahagi sa misyon ng simbahan.
Susundan naman ito ng plenary ng mga kabataan upang balangkasin ang mabuong synthesis mula sa congress na nakatuon sa temang ‘Mary accompanies us in our journey toward’s a synodal Church’ (Si Maria nag-aantabay sa satng paglakbay na magin sinodal na Simbahan).’
Kaugnay nito hinimok ni Archbishop Tirona ang mga parokya sa buong arkidiyosesis na ipalaganap ang impormasyon sa detalye ng Marian Youth Congress at himukin ang mga kabataang makiisa sa mahalagang pagtitipon.
“May this coming Congress, and the celebration of the feasts of the Divino Rostro and Our Lady of Peñafrancia inspire us to continue journeying with Mary towards a church of true communion, participation and mission,” ani ng arsobispo.