215 total views
Mahalagang bahagi ng Simbahan at lipunan ang Kabataan sa pagbuo ng magandang mundong kaaya-aya sa sangkatauhan.
Ito ang mensahe ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga kabataan sa isinagawang Synod of Bishops on Youth na may temang ‘Young People, the Faith and Vocational Discernment’ na ginaganap sa Vatican.
Ayon kay Cardinal Tagle, isa sa naitalagang delegate president ng Synod, ang pagtitipon ay pakikiisa at pagkilala ng simbahan sa kabataan.
“And we hope that we can walk together, we extend our hands to you. Take our hands as we take your hands into our hands and together we walk for a better humanity, for a better world, for a better future, for a better Church. Please pray for us, as we pray for you,” bahagi pa ng mensahe ni Cardinal Tagle.
Sinabi ng Kaniyang Kabunyian na mahalaga ang pagtitipon na isang pagpapakita ng Simbahan bilang kalakbay ng kabataan tungo sa mas mabuting lipunan sa hinaharap.
“This Synod of Bishop on the youth is not just about you, not just for you. You are very much present here and you are giving the church new life, new visions. I, in the name of the many Bishops and Priests—and the parents, the grandparents, and the many people who care for you want to assure you, your dreams are our dreams. Your joys are our joys. Your pains are our pains. Your frustrations are our frustrations,” ayon sa mensahe ni Cardinal Tagle.
Mula sa 1.28 bilyong populasyon ng mga Katoliko sa buong mundo malaking bahagi nito ay kinabibilangan ng mga kabataan.
Pinangungunahan ni Cardinal Tagle ang delegasyon ng Pilipinas kasama sina Bangued Bishop Leopoldo Jaucian-Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth; Bacolod Bishop Patricio Buzon at Legazpi Bishop Joel Baylon.