255 total views
Malaki ang gagampanang papel ng mga Kabataan para sa susunod na Edisyon ng Philippine Conference on New Evangelization sa susunod na taon.
Ayon kay Rev. Fr. Jason Laguerta, Executive Director ng Office of the Promotion of the New Evangelization, nakasentro na sa mga kabataan ang susunod na Edisyon na PCNE matapos na tumutok sa mga Pari, Madre at Relihiyoso ang pagtitipon ngayong taon.
Dahil dito, Inihayag ng Pari na kakailanganin mismo ang partisipasyon ng mga kabataan upang mapagplanuhan ang pagsasagawa ng PCNE na naangkop upang mas mapalalim pa ang kanilang pananampalataya.
“Sa susunod na PCNE ay ang mga kabataan naman ang magiging Sentro ng ating pagtitipon kaya ngayon palang ay excited na lahat kasi ang mga kabataan naman ang bibigyan natin ng atensyon at dahil dito ang mga Kabataan ang magsisikap din na bigyan ng reporma o kaya ay bigyan ng pagpaplano ang darating na Kumperensya…” Pahayag ni Fr.Laguerta sa panayam sa Radyo Veritas.
Kaugnay nito, unang nagpaabot ng pasasalamat sa pamunuan ng PCNE5 si Diocese of Legazpi Bishop Joel Baylon para sa paglalaan ng dalawang partikular na araw para sa mga Pari, Madre at mga nagtalaga ng kanilang sarili sa Panginoon.
Read more: Obispo, Nagpapasalamat sa PCNE5
Sa susunod na taon inaasahan na ang paggunita ng buong Simbahan sa Year of the Youth na naglalayung mas maimulat ang kamalayan ng mga kabataan sa pagkakaroon ng mas malalim na pananampalataya sa Panginoon.