270 total views
April 27, 2020-12:25pm
Nagpapasalamat ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mahalagang tungkulin ngayon ng kabataan bilang mga church frontliners
Ginawa ni CBCP-vice president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pasasalamat sa mga kabataan kaugnay ng volunteer work sa iba’t ibang gawain ng simbahan kabilang ang pamamahagi ng relief goods sa mga nangangailangang pamilya sa kani-kanilang lugar.
Tinukoy ni Bishop David ang social communication ministry na pinangangasiwaan ng mga kabataan, hindi lamang sa gawaing teknikal kungdi ang pagiging reader-commentator, altar server at choir.
“Sila ang talagang sumasabak ngayon na parang church frontliners,” ayon kay Bishop David.
Nagpapasalamat din ang Obispo sa mga nakatatandang volunteers na patuloy pa rin ang serbisyo sa simbahan sa kabila ng panganib sa kanilang kalusugan.
“Talagang very edifying itong naging resulta ng pandemya na ito kahit na nade-depress tayo dahil sa sakit, sa paglaganap ng sakit at epekto ng locked down. Andami ring magaganda na nangyayari ngayon. Tumutugon ang mga tao” ayon kay Bishop David sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radyo Veritas.
Paliwanag ng Obispo, lubos na nauunawaan ng mga kabataan ang kanilang tungkulin sa panahon ng pandemya lalut pangunahing pinangangalagaan ay ang mga nakatatanda bilang vulnerable mula s nakahahawang sakit lalu na ang novel coronavirus.
Una na ring binigyan halaga ni Pope Francis ang kahalagahan ng matatanda na silang nagpapasa ng karunungan at pananampalataya sa mga kabataan.
Habang ang mga kabataan naman ang may tungkulin na ipagpatuloy ang gawain sa lipunan at sa simbahan