343 total views
Iaalay ng Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) sa tuluyang pagwawakas ng pandemic novel coronavirus ang intensyon ng taunang One Million Children Praying the Rosary Campaign ngayong taon.
Ayon kay former-Philippine Ambassador to the Holy See Henrietta de Villa–chief executive Officer ng ACN Philippines karaniwang inaaalay para sa kapayapaan, pagkakaisa at kapakanan ng mga kristyanong dumaranas ng pag-uusig sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Paliwanag ni De Villa, dahil sa pambihirang sitwasyon na kinahaharap ng daigdig mula sa COVID-19 pandemic ay napagdesisyunan ng ACN na ialay ang panalangin para sa paghihilom at kaligtasan ng sangkatauhan mula sa pandemya. Kaisa ang ACN-Philippines sa ilulunsad One Million Children Praying the Rosary to end COVID-19.
“In every country 1 million children are gathered to pray the Rosary for special intention usually it’s a traditionally that it is for world peace and unity and especially for persecuted Christians but for this year because of the unusual situation when we are all threatened our lives by COVID-19 pandemic, dito sa Philippines ang ACN Philippines is launching One Million Children Praying the Rosary for an end of COVID-19,” ang bahagi ng pahayag ni De Villa sa panayam sa Radyo Veritas.
Nakatakda ang sabay-sabay na pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan sa darating na Lunes, ika-19 ng Oktubre kung saan napiling isagawa ang highlight event sa Paco Catholic School sa Archdiocese of Manila na pangungunahan ng mga mag-aaral mula grade 3 hanggang grade 6.
Inaanyayahan naman ang lahat na makibahagi sa pananalangin ng Santo Rosaryo para sa pagwawakas ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan ng pagsubabay sa gagawing live online streaming nito sa ACN-Aid to the Church in Need Facebook page.
“Yung ACN Philippines sa October 19 yung main event but it’s all online ang aming church na napili yung Paco Catholic School yung Paco Church kasi may eskwelahan din yun and the children participating will be from grade 3 to grade 6,” dagdag pa ni De Villa.
Layunin ng Worldwide Prayer Event na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Hango ang pandaigdigang pagdarasal ng pontifical foundation ng Vatican sa mga pahayag ni Saint Padre Pio na “When one million children pray the rosary, the world will change”.
Inilunsad ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Caracas, Venezuela noong taong 2005 kung saan umaabot na sa mahigit 80-bansa ang taunang nakikibahagi sa malawakang pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo kabilang na ang Pilipinas nang ilunsad sa bansa taong 2016.