526 total views
Ang pagpapakumbaba o kababaang-loob ay isa sa mahalagang katangian na dapat na taglay ng isang tunay na Kristiyano.
Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa banal na misa para sa ika-22 Linggo sa karaniwang panahon sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma noong Linggo ika-28 Agosto, 2022.
Ayon sa Cardinal, bahagi ng pagpapakumbaba ay ang pagsunod sa iba’t ibang alituntunin, ang pagkakaroon ng makalangit na oryentasyon, at pakikiisa sa mga maliliit na bahagi ng lipunan lalo na sa mga nangangailangan.
“Humility is a Christian virtue. It entails docility, heavenly orientation, and solidarity with the lowly.”pagninilay ni Cardinal Advindula.
Ibinahagi ng Cardinal na kabilang sa mga nakababahalang realisasyon ng Simbahang Katolika sa isinagawang Synodal consultations sa Pilipinas ay ang kabiguan ng Simbahan na magampanan ang pagiging ganap na ‘Church of the poor’.
Ikinabahala ni Cardinal Advincula ang lumabas sa mga talakayan na mayroon pa ring malaking agwat ang Simbahan sa mga mahihirap at mga maralita sa bansa kung saan hindi napakikinggan ang kanilang mga hinaing at pananaw.
“During our Synodal consultations in the Philippines, one of the most disturbing realizations we had is that our local Church is far from being with the Church of the poor that we aspire to be. There is a dark and wide gap between the Church and the poor in our country. The Church does not know the poor, and that poor do not know the Church. Our poor and marginalized brethren feel that their views and values are disregarded in our Church communities and organizations.” Dagdag pa ni Cardinal Advincula.
Iginiit ng Cardinal na hindi dapat magtapos ang pagpapakumbaba ng Simbahan sa pagbibigay ng ayuda at mga gabay pang-espiritwal kundi maging sa pakikibahagi sa tunay na buhay ng mga mahihirap.
Naniniwala si Cardinal Advincula na mahalaga ang ganap na pakikipaglakbay ng Simbahan sa mga mahihirap at maralita upang ibahagi ang biyaya ng panginoon at ipaglaban ang kanilang dignidad.
“Now, more than ever, we sense the greater clamor for becoming a Church that is in solidarity with the poor. A Church that has immersed deep enough in the lives of the poor so that we smell like the poor. It is not enough that was simply distribute dole outs or ayuda; rather, we must immerse ourselves in the life of the poor, be friends with them, journey with them, empower them for mission, include them in the life and activity of the Church, and advocate for their dignity.”pahayag ni Cardinal Advincula.
Magugunitang kabilang si Cardinal Advincula sa mga dumalo sa ginanap na Consistory sa Vatican noong August 27, 2022 kung saan nakatakda din ang pakikipagpulong ng Santo Papa Francisco sa lahat ng mga cardinal upang pagnilayan ang Apostolic Constitution Praedicate evangelium o ang mga pagbabago sa Roman Curia.