557 total views
Inilunsad ng Cooperative Development Authority (CDA) ang Kadiwa Ani Kita Retail Store katuwang ang Department of Agriculture sa tanggapan ng ahensya sa Quezon City.
Ayon kay CDA chairman Joseph Encabo, ito ay upang matulungan ang mga farmer cooperative mula sa ibat-ibang lalawigan na maibenta ang kanilang mga produkto at ani.
“Ang pamamaraan na ito ay tumutulong po ang mga ahensya paano maisapubliko at maiannounce ang ating mga programa gaya po ng DA sa pamamgitan ng ating ahensya kagaya ng Cooperative Development Authority,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Chairman Encabo.
Tiniyak din ng opisyal ang na pinag-aaralan na ang posibilidad ng pagkakaroon ng iba pang mga Kadiwa Ani Kita Retail Store sa may 16-Regional CDA Offices.
Ito ay upang higit na matulungan ang mga magsasaka, mangingisda at mamimili na mapalawig ang ‘Farm to Market road approach’.
Bukod sa CDA ay una naring nakipagtulungan ang DA sa iba pang ahensya at mga kagawaran ng pamahalaan upang palawigin ang Kadiwa Ani at Kita na ngayon ay mayroong ng mga retail stores sa halos 18-rehiyon.
Unang inihayag ni Father Anton CT Pascual chairman ng Union of Catholic Church Based Cooperative na nagsisilbing paraan ang lahat ng kooperatiba upang makaahon sa kahirapan at magkaroon ng sariling kabuhayan ang mga miyembro nito.