Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kagitingan ng SAF 44 hamon sa PNP personnels

SHARE THE TRUTH

 1,561 total views

Ginunita ng Philippine National Police ngayong araw ang ikawalong anibersaryo ng 44 Fallen PNP-Special Action Force o SAF 44 na magiting na nakipaglaban sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Sa mensahe ni PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin, Jr. hinimok nito ang hanay ng pulisya na pagnilayan ang sakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga nasawing pulis at sundalo sa Mamasapano encounter, gayundin ang kanilang mga naiwang pamilya.

“That unfortunate incident, which resulted in the tragic loss of our 44 special action force troopers, is a powerful reminder of the selflessness and devotion of our police officers to do their duty. Despite the odds and difficulties, they faced, these brave young men remained committed in carrying out the mission to protect and serve our communities,” bahagi ng mensahe ni Azurin.

Ayon kay Azurin, mananatili at hindi na mabubura sa kasaysayan ang katapangang ipinakita ng SAF 44, na katulad ng mga naunang bayani ay inialay ang buhay hindi para sa sariling kapakanan kundi para sa kapayapaan at kalayaan ng bayan.

Umaasa rin ang pinuno ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na ang ipinakitang halimbawa ng SAF 44 ay magsilbi nawang inspirasyon ng mga kawani ng PNP at mga susunod na henerasyon.

Nagpahayag naman ng pakikiramay at pakikiisa sa panalangin ang PNP sa mga naulilang mahal sa buhay ng mga bayani.

“We will continue to honor their memory and supreme sacrifice as we make sure that their legacy lives on through our actions and dedication to the service. They will always be remembered as true heroes, who have given their lives for the service of Filipinos,” ayon kay Azurin.

Sa ilalim ng Proclamation No. 164 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, idineklara nito ang ika-25 ng Enero na National Day of Remembrance bilang pagkilala sa kabayanihan ng SAF 44.

Ang Mamasapano encounter na unang tinawag bilang Oplan Exodus, ay plano ng PNP-SAF upang hulihin o patayin ang wanted na Malaysian terrorist at bomb-maker na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, at iba pang Malaysian terrorist o matataas na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 106,965 total views

 106,965 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 114,740 total views

 114,740 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 122,920 total views

 122,920 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 137,912 total views

 137,912 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 141,855 total views

 141,855 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 364 total views

 364 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 4,255 total views

 4,255 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 6,055 total views

 6,055 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top