231 total views
Binago ang buhay ng pelikulang “Ignacio de Loyola,” ng isang Spanish actor na si Andreas Muñoz na siyang gaganap sa buhay ng patron ng mga Heswita.
Ayon kay Munoz, ang naturang 4-year in the making movie na inisyatibo ng Jesuit Communications Philippines na siyang nagturo sa kanya na magpasensya at makinig sa tinig ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Nakikita ni Muñoz ang kanyang buhay sa pagganap sa buhay ni St. Ignatius of Loyola lalo sa malaking pagbabago ng buhay nito.
“I learned a lot of patience and to listen much more. Obviously, I found similarity as really he was a kind person and he loves the people his friend and he is quite similar to me. I would love them to see them in the cinemas to watch the film, I would love them to learned about Ignacio de Loyola who this man was. Who changed this world that is why we have a pope who is a Jesuit. I would love to invite them and watch this wonderful movie,” bahagi ng pahayag ni Muñoz sa panayam ng Radyo Veritas.
Ayon naman kay Rev. Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso, SJ executive producer ng pelikula, ito ay talagang kapupulutan ng aral ng mga kabataan lalo na ang mga naghahanap ng kasagutan sa tunay na kahulugan ng buhay.
“Everyone asked the very basic question, “What is the meaning of life?” and that question who is relevant. No matter what period of history and Ignacios’ story is a story of one man who asked that question, what is the meaning of life? And it brought him the answer which is love. If you find your true love, then you will find meaning in your life,” paliwanag ni Fr. Alfonso sa Radyo Veritas.
Ipapalabas naman sa mga sinehan sa bansa ang “Ignacio de Loyola,” sa ika – 27 ng Hulyo taong kasalukuyan.
Ito na ang ikalawang pelikula na inilabas ng JesCom Philippines matapos ang naging sikat na pelikulang “Maging Akin Muli” na nagbigay inspirasyon sa bokasyon sa pagpapari sa maraming kabataan.