3,552 total views
Isinulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagbabasa at pagsusulat.
Iginiit ng Vice-chairman ng komisyon San Fernando La Union Bishop Daniel Presto sa paggunita ngayong September 8, 2023 ng International Literacy Day.
Ayon sa Obispo, napakahalaga na sa maagang development years ng mga bata ay maituro ang mga pamantayan sa pagbabasa at pagsusulat bilang bahagi ng kanilang edukasyon.
“We know how literacy is challenged in many ways due to wars, poverty, and recently the covid-19 pandemic, UNESCO observes how “in low and middle-income countries, the share of 10-year-old children who could not read and understand a simple text with comprehensions increased from 57 percent in 2019 to an estimated 70 per cent in 2022.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Presyo sa Radio Veritas.
Ipinarating din ng Obispo ang apela ng pagtutulungan sa pamahalaan, sektor ng edukasyon at maging sa mga magulang na tugunan ang suliranin sa pag-aaral ng mga batang nararanasan parin ang learning poverty na idinulot ng pandemya, hybrid online and modular learning system.
“Malaking hamon ang literacy para s atin kung kaya’t ating pagtulung-tulungang maiangat ang literacy level ng ating mga learners. Mahalaga ang pakikipag-ugnayan ng schools at ng mga tahanan s gawaing ito.” ayon pa sa mensahe ng Obispo.
Unang hinamon ng Obispo ang pamahalaan at stakeholders ng education sector na tugunan ang learning poverty kung saan apat sa kada sampung mga batang nasa edad sampung taong gulang ang hindi nakakapagbasa, hindi marunong magsulat at hindi nakakaunawa ng mga simpleng konstekto.
Ngayon taon ay itinalaga ng (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) o UNESCO ang tema sa paggunita bilang “Promoting Literacy for a World in Transition: building the foundation for sustainable and peaceful societies,” habang sa Pilipinas ay ipinaddiriwang naman ito sa temang: “Transforming Literacy Learning Spaces,”