Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kailan giginhawa ang biyahe ng mga komyuter?

SHARE THE TRUTH

 404 total views

Mga Kapanalig, Disyembre na at unti-unti na ng nating nararamdaman ang tinatawag na Christmas rush o ang panahon kung kailan busy ang mga tao habang papalapit ang Pasko. Kaya naman, mabigat na rin ang daloy ng trapiko, lalo na sa mga pamilihan, malls, at pasyalan. Sa pagpasok ng panahon ng Kapaskuhan, mas ramdam ng mga walang pribadong sasakyan at umaasa sa pampublikong transportasyon ang hirap ng pagbibiyahe. Ngunit kung tutuusin, noon pa ma’y sadyang napakahirap na ng sitwasyon ng mga komyuter sa ating bansa, lalo na sa Metro Manila.

Kamakailan, naglabas ng pag-aaral ang Oliver Wyman Forum at Berkeley University tungkol sa urban mobility readiness o kahandaan ng sistemang pantransportasyon sa mga siyudad. Sinuri sa pag-aaral, na pinamagatang Urban Mobility Readiness Index 2022, ang kalidad ng mga pampublikong sasakyan at iba pang bagay katulad ng haba o ikli ng biyahe, halaga ng pamasahe, at tagal ng paghihintay upang makasakay. Lumabas na kulelat ang Metro Manila sa buong mundo pagdating sa urban mobility at public transportation.

Sa 60 siyudad na kasama sa pag-aaral, pang-58 ang Metro Manila sa usapin ng urban mobility. Hindi rin nalalayo ang Metro Manila na nasa pang-56 sa mga siyudad na may pinakamalubhang pampublikong transportasyon. Kinikilala ng pag-aaral na bagamat may iba’t ibang pamamaraan ng transportasyon sa Metro Manila, marami pang maaaring gawin upang pagbutihin ang mga ito. Maaari pa raw sanang mapabilis ang biyahe, gawing abot-kaya ang pamasahe, at maiwasan ang siksikan sa mga pampublikong transportasyon.

Talaga namang sari-sari ang problemang kinahaharap ng maraming kababayan natin sa pampublikong transportasyon. Nitong pandemya, mas lalong naramdaman ng mga ordinaryong Pilipino ang hirap ng halos araw-araw na tila ba pakikibaka tuwing nagkokomyut dahil sa kakulangan ng mga bumibiyaheng pampasaherong sasakyan at ang hindi maiwasang pagsisiksikan at balyahan. Nariyan din ang mahabang oras ng paghihintay ng masasakyan, ang tila walang katapusang pila sa mga terminal ng jeep, bus, o tren, pati na ang mabigat na trapikong kailangan bunuin upang makauwi. ‘Ika nga ng marami, imbis na ipahinga, nasasayang ang mahabang oras ng maraming Pilipino sa kalsada.

Matagal na nating problema ang hirap sa pagkokomyut at ang sala-salabat na problema sa pampublikong transportasyon. Ngunit bakit nga ba tila hindi ito natutugunan ng ating pamahalaan? Dahil ba hindi gumagamit ng pampublikong transportasyon ang ating mga lider? Dahil ba hindi nila nararanasan ang araw-araw na kalbaryo ng mga komyuter?

Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, responsibilidad ng Estado ang pagkamit ng common good o kabutihang panlahat, sapagkat ito ang dahilan kung bakit may kapangyarihan ang gobyerno. Hindi makakamit ng isang indibidwal ang pag-unlad niya sa pamamagitan ng kanyang sarili lamang, kaya dito pumapasok ang papel ng Estado at ng mga institusyon nito na tiyaking napakikinabangan ng publiko ang mga serbisyong panlipunan. Sa pamamagitan ng awtoridad at kapangyarihan ng Estado, nagagawa dapat ng pamahalaang magpatupad ng mga patakaran at maglaan ng sapat na badyet upang paunlarin ang pampublikong transportasyon. Gaya nga ng wika sa Lucas 12:48, “ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.”

Mga Kapanalig, hindi na sapat ang mga pansamantalang solusyon upang lutasin ang mga problema sa transportasyon. Hindi rin uubra ang mungkahi ng isang opisyal na umalis sa bahay nang mas maaga upang hindi mahuli sa trabaho o sa eskwelahan. Sa pagbabalik ng face-to-face na klase at trabaho, handa na nga ba ang kasalukuyang sistema ng pampublikong transportasyon mayroon ang Metro Manila? Kailan kaya giginhawa ang pagbibiyahe ng mga komyuter? Panahon na upang bigyang-pansin ng mga kinauukulan ang pagkakaroon ng pangmatagalang solusyon upang magkakaroon tayo ng ligtas, mahusay, at abot-kayang pampublikong transportasyon.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 32,526 total views

 32,526 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,182 total views

 47,182 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,297 total views

 57,297 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,874 total views

 66,874 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,863 total views

 86,863 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 32,527 total views

 32,527 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,127 total views

 3,127 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,183 total views

 47,183 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,298 total views

 57,298 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 66,875 total views

 66,875 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,864 total views

 86,864 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,849 total views

 48,849 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,874 total views

 43,874 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,443 total views

 47,443 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,898 total views

 59,898 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,965 total views

 70,965 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,284 total views

 77,284 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,895 total views

 81,895 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,455 total views

 83,455 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,016 total views

 49,016 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top