Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kailan kaya tayo babalik sa “normal”?

SHARE THE TRUTH

 195 total views

Mga Kapanalig, hindi natin maiwasang mainggit sa mga taga-Israel matapos alisin na ng kanilang pamahalaan ang requirement sa mga mamamayang magsuot ng face mask kapag lalabas sila. Buháy na buháy na muli ang mga pampublikong lugar, kainan, negosyo, pasyalan, at mga paaralan. Literal nang nakahihinga ngayon ang mga mamamayan ng Israel, bagamat may ilan pa ring patuloy na nag-iingat at nagsusuot pa rin ng face mask.

Patunay ang Israel na malaki ang benepisyong hatid ng pagbabakuna laban sa COVID-19. At hindi lamang ito dahil sa epektibo ang bakunang binili ng kanilang pamahalaan, kundi dahil sa tiwala ng maraming tao roon pagpapabakuna. Mahigit kalahati na (o 56%) ng adult population ng Israel ang fully vaccinated na, at patuloy ang kampanya ng pamahalaan upang hikayatin ang mga taong magpabakuna. Nabakunahan na ang halos 90% ng mga itinuturing na vulnerable o mga edad 50 pataas. (Nakalulungkot nga lamang na may mga tila ba kinakaligtaan katulad ng limang milyong naninirahan sa Palestine na sinakop ng Israel.)

Ebidensya ng tagumpay ng malawakang pagbabakuna ang napakababa nang bilang ng mga kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa Israel. Mula sa karaniwang 10,000 kaso kada araw, ngayon ay nasa 140 na kaso na lang bawat araw ang naitatala roon. Malaking kabawasan ito sa mga ospital na ngayon ay natutugunan na ang pangangailangan ng mga pasyenteng may ibang kondisyon.[3] Hindi pa rin naman nawawala ang banta ng COVID-19, ngunit kahit papaano unti-unti na silang bumabalik sa “normal.”

PSD Toktok

Tayo kaya sa Pilipinas, kailan tayo babalik sa “normal” nating pamumuhay?

May ilang lungsod na ang nagsimula na ng kanilang programang pagbabakuna para sa mga nasa priority list katulad ng mga medical frontliners, mga senior citizens, at mga mayroong comorbidities. Nagsimula na rin ang mga pribadong kompanyang bumili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado. Nakatanggap na ang ating pamahalaan ng tatlong milyong doses mula sa Sinovac Biotech at AstraZeneca at may karagdagan pang inaasahan sa mga susunod na buwan. Upang maging epektibo ang programang pagbabakuna sa bansa, kailangang 70 porsyento ng 105 milyon Pilipino ang mabakunahan. Kaya maliban sa pagtiyak na may sapat tayong suplay ng mga bakuna, kailangan ding makipagtulungan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Nauunawaan nating hindi ito madali lalo pa’t sari-saring impormasyon ang nababasa natin sa social media, at marami sa mga ito ay nagdudulot ng takot at pangamba. Ang problema, mahina ang kampanya ng pamahalaan upang biglang-linaw ang mga impormasyong ito, lalo pa’t may ilang pulitikong nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa bakuna o mga umano’y lunas sa COVID-19. Kailangan ng ating pamahalaang makuha ang buong tiwala ng publiko upang sila ay magpabakuna; ito ang naging susi hindi lamang sa Israel kundi sa iba pang bansang katulad ng Taiwan at New Zealand na noong una pa man ay nagawa nang makontrol ang pagkalat ng virus.

Noong nagsimula ang pandemya, sinabi ni Pope Francis na tungkulin ng mga pamahalaang gawing prayoridad ang kanilang mga mamamayan. Ang hindi paggampan nito ay magbubunga ng pagkamatay ng napakarami. Sa ating bayan, nakita na natin ang naging bunga ng kapabayaan ng ating pamahalaan mula nang magsimula ang pandemya—libu-libong nagkasakit at namatay, nawalan ng hanapbuhay, at naghihirap. Ngayong nagsisimula nang dumating ang mga bakuna, maging maagap dapat ang ating pamahalaan upang mapakinabangan natin ang tulong na dala ng mga bakuna sa ating kalusugan at kaligtasan.

Mga Kapanalig, sabi nga sa Mga Kawikaan 11:14, “Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.” Malinaw na tuntunin at pagtalima sa tamang mga payo—lalo na ngayon sa isyu ng mga bakuna—ang susi sa epektibong pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 24,686 total views

 24,686 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,342 total views

 39,342 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,457 total views

 49,457 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 59,034 total views

 59,034 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,023 total views

 79,023 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 24,687 total views

 24,687 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,623 total views

 2,623 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,343 total views

 39,343 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,458 total views

 49,458 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 59,035 total views

 59,035 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,024 total views

 79,024 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,169 total views

 48,169 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,194 total views

 43,194 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,763 total views

 46,763 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,218 total views

 59,218 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,285 total views

 70,285 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,604 total views

 76,604 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,215 total views

 81,215 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,775 total views

 82,775 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,336 total views

 48,336 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top