Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kailangan ang lider sa salita at sa gawa

SHARE THE TRUTH

 172 total views

Mga Kapanalig, nagbitiw na naman si Pangulong Duterte ng mga salitang hindi kumikilala sa dignidad ng kababaihan. Bilang reaksyon sa pagkakaroon ng Davao City ng pinakamaraming kaso ng rape sa bansa ngayong ikalawang quarter ng taon batay sa datos ng PNP, sinabi niyang sadyang maraming magagandang babae roon kaya marami rin ang nagagahasa.

Bagamat hindi na tayo nagugulat pa sa ganitong pananalita ni Pangulong Duterte, nakagagalit, nakadidismaya, at nakasisira ng loob ang kanyang pananaw sa rape at sa pagtrato niya sa mga babae. Walang kinalaman ang itsura ng isang tao sa pananamantala sa kanya. Hindi dapat gamitin ang itsura ng mga babae upang bigyang-katwiran ang panggagahasa sa kanila. Katulad ng pagsusuri niya sa ibang isyung panlipunan, inilihis ni Pangulong Duterte ang usapin tungkol sa karahasan laban sa kababaihan sa pamamagitan ng hindi pagtukoy sa tunay na ugat ng problema kundi sa pamamagitan ng paninisi sa mga biktima at posibleng mabiktima ng karahasang ito.

Ayon sa grupong Babae Ako, sa halip na hanapan ng solusyon ang tumataas na bilang ng rape at karahasan sa kababaihan, ininsulto ng pangulo ang mga nagdurusang rape survivors; adding insult to the injury, ‘ika nga. Sabi naman ng grupong Every Woman, hindi nakakatawa ang isyu ng rape. Seryosong isyu ito na hindi bunga ng pagiging maganda ng mga babae kundi ng pagiging bastos ng mga lalaki at ang pangungunsinti sa mga rapists, biro man o hindi. Paalala naman ng grupong Gabriela, krimen ang rape, at walang sinuman, lalung-lalo na ang pinakamataas na lider ng bansa, ang dapat magpalaganap ng rapist mentality, isang pananaw na ang turing sa mga babae ay mga kasangkapang ginagamit ng mga lalaki.

Gaya ng dati, binaluktot na naman ng kanyang tagapagsalita ang mensahe ng sinabi ni Pangulong Duterte tungkol sa rape. Katwiran ng Presidential spokesperson, hindi raw dapat seryosohin ang panibagong joke o biro ng pangulo. Iba raw kasi ang mga biro sa Luzon, Visayas, at Mindanao. At sa Mindanao raw, hindi nila sineseryoso ang mga biro kahit pa galing ito sa isang lider. Sumasang-ayon kaya rito ang mga kapatid natin sa Mindanao?

Mga Kapanalig, ang anumang salitang binibitawan ng pangulo, sa interview man o sa talumpati, ay maituturing na bahagi ng patakaran ng kanyang Administrasyon. Nagsasalita ang pangulo hindi para sa sarili lamang niya; nagsasalita siya sa ngalan ng pamahalaan, sa ngalan ng mga mamamayang kanyang pinaglilingkuran. Kaya’t kung ginagawa niyang maliit na bagay ang rape, para na rin niyang ineengganyo ang mga taong huwag seryosohin ang pagsasamantala sa mga kababaihan. Ang masama pa, ginagamit niya ang kanyang posisyon upang palaganapin ang paniniwalang walang mali sa karahasan sa kababaihan, na walang mali sa pananamantala ng mga lalaki sa mga babae, na walang mali kung ituring nating mas mababa ang halaga ng dignidad ng mga babae.

May bigat ang mga salitang sinasabi ng isang lider, kahit pa pabiro ang kanyang pagkakasabi. Kaya’t ang isyu ng rape ay hindi kailanman dapat gamitin sa pagbibiro, dahil karahasan itong sumisira sa dignidad at karapatan ng mga babae. Bilang mga Kristiyano, naniniwala tayong pantay ang angking dignidad at karapatan ng mga babae at lalaki dahil nilikha tayong lahat na kawangis ng Diyos.

Mga Kapanalig, kailangan natin ng mga lider na tutol sa karahasan, mga lider na nagtataguyod ng dignidad ng mga babae, mga lider na hindi ginagawang biro ang rape. Kailangan natin ng mga lider na pinahahalagahan ang dangal at karapatan ng tao, sa salita at sa gawa. May kasabihan sa Ingles: “In a democracy, people get the leaders they deserve.” Patunayan nating hindi tayo karapat-dapat na pamunuan ng mga lider na paulit-ulit na lumalapastangan sa kababaihan at bigong lutasin ang mga tunay na isyu ng bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,795 total views

 31,795 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,451 total views

 46,451 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,566 total views

 56,566 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,143 total views

 66,143 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,132 total views

 86,132 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 31,796 total views

 31,796 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,452 total views

 46,452 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,567 total views

 56,567 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 66,144 total views

 66,144 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,133 total views

 86,133 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,783 total views

 48,783 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,808 total views

 43,808 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,377 total views

 47,377 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,832 total views

 59,832 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,899 total views

 70,899 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,218 total views

 77,218 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,829 total views

 81,829 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,389 total views

 83,389 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,950 total views

 48,950 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,515 total views

 69,515 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top