329 total views
Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na kasama ng bawat isa ang Mahal na Birheng Maria sa paglalakbay sa gitna ng naranasang krisis dulot ng coronavirus pandemic.
Sa mensahe ng Santo Papa sa lingguhang general audience sa bisperas ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapahayag ng Magandang Balita Tungkol sa Panginoon binigyang diin nito na hindi pinabayaan ng Mahal na Ina ang mga naghihirap at nahawaan ng COVID-19.
“Mary was and is present in these days of the pandemic, near to the people who, unfortunately, have concluded their earthly journey all alone, without the comfort of or the closeness of their loved ones. Mary is always there next to us, with her maternal tenderness,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Nilinaw ng Santo Papa na si Hesus lamang ang bukod tanging tagapamagitan ng sangkatauhan sa Diyos Ama taliwas sa alegasyon ng ibang pananampalataya na sinasabing si Maria ang tagapamagitan.
Ipinaliwanag ng pinunong pastol ng simbahan na ang gawain ni Maria ay gumagabay sa bawat isa tungo kay Hesus na siyang daan sa kabanalan.
Tiniyak ni Pope Francis na bilang Ina ng sanlibutan ay hindi iniiwan ni Maria ang mga nararatay sa karamdaman at ang lahat ng mga nabibigatan at pinanghihinaan.
“Mary is always present at the bedside of her children when they depart this world. If someone is alone and abandoned, she is Mother, she is there, near, as she was next to her Son when everyone else abandoned him,” dagdag pa ni Pope Francis.
Sa halos 130 milyong nahawaaan ng COVID-19 2.7 milyon dito ang nasawi kung saan hindi nakita ng kanilang pamilya dahil sa kautusang sagarang cremation upang maiwasang kumalat ang sakit.
Hinikayat ng Santo Papa ang bawat isa na hingin ang tulong ng Mahal na Birhen at tularan ang kanyang halimbawa sapagkat si Maria ang kauna-unahang tumugon sa tawag ng Panginoon.