1,409 total views
Ikinababahala ng Federation of Free Workers ang banta ng panganib sa kaligtasan ng mga manggagawa sa mga lugar ng paggawa.
Tinukoy ni Atty.Sonny Matula, pangulo ng FFW ang pagkasawi ng 15-manggagawa matapos masunog ang isang T-shirt factory at pagguho ng construction site sa Quezon city hall.
“The victims unquestionably deserve justice and rightful compensation. Accountability is a shared responsibility that extends beyond the DOLE, DILG, and the relevant LGU, it is incumbent upon these agencies to work collectively in implementing rigorous regulatory and enforcement measures aimed at safeguarding safety and labor standards, thereby preventing such heart-wrenching tragedies.” ayon pa sa mensahe ni Matula.
Kaugnay nito, nanawagan ang F-F-W sa pamahalaan na maglaan ng sapat na pondo para sa sektor ng mga manggagawa na titiyak sa kanilang kaligtasan sa mga lugar ng paggawa.
Iginiit ni Matula na sa tulong ng pagtataas sa pondong ilalalaan sa Department of Labor and Employment ay higit na mapapaigting ang pagpapatupad ng Occupation Safety and Health Standards (OSHS) sa mga lugar ng paggawa.
“With Congress currently in the process of approving the national budget, FFW and NAGKAISA emphasize the power of allocating additional resources to DOLE, we call upon Congress to allocate more funds dedicated to worker inspection and visitorial initiatives, this strategic financial reinforcement is essential in ensuring the safety and well-being of workers nationwide, preventing future tragedies, and cultivating a safer and more equitable labor environment.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.
Sa bisa nito ay magkakaroon ng mga regular na pagbisita ang mga opisyal ng DOLE at OSHDS sa mas maraming lugar ng paggawa sa bansa upang matiyak na ligtasa ang mga pasilidad at kagamitan higit na sa mga ‘High-risk work areas’.
Patuloy naman ang pakikiisa ng mga ahensya ng simbahan na katulad ng Manila Archiocesan Ministry for Labor Concern at Ecumenical Institute for Labor Education and Research upang maisulong ang kaligtasan ng mga manggagawang tanging nagtatrabaho upang masuportahan ang kanilang pamumuhay at pamilya.