Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.

SHARE THE TRUTH

 1,156 total views

Mga Kapanalig, tatlong salita ang bumubuo sa tema ng ika-125 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas: Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.

Isa-isahin natin ang mga ito. 

Unahin natin ang kalayaan. Mahigit isang siglo na nang ang Pilipinas ay lumaya mula sa tatlong daan taóng pananakop ng mga Kastila. Bagamat ilang mananakop din ang kumontrol sa ating bayan matapos niyon, ang kasarinlan mula sa mga Kastila ang kinikilala nating kasukdulan ng napakaraming kilos ng pagkamakabayan at nasyonalismo. Mula sa ating mga itinuturing na bayaning sina Jose Rizal at Andres Bonifacio hanggang sa mga hindi mapangalanang nag-alay ng kanilang lakas, talino, at maging buhay, iyon ang yugtong nagising ang ating diwa bilang isang bayan. 

Malayo na ang ating narating mula noon, ngunit sa lagay ng ating bayan ngayon, mistula pa rin tayong nakakulong sa mga hawlang kapwa rin natin ang nagtayo. Nariyan ang hawla ng kahirapan—isang hawlang ayaw buksan ng mga ganid at sakim sa kayamanan, ng mga nang-aagaw ng lupa, ng mga ayaw magpasuweldo nang tama. Nariyan din ang hawla ng kamangmangan—isang hawlang pilit isinasara ng mga pulitikong ayaw maging matalino ang mga botante at hinahayaang umasa sila sa kanila. Ito ang mga hawlang hadlang sa totoong demokrasyang tanda ng tunay na kalayaan. 

Ito ang kalagayan ng ating bayang inihahanda para sa tinutukoy ng pangalawang salita sa tema ng pagdiriwang natin ngayon ng Araw ng Kalayaan: kinabukasan. Sino ang bumubuo ng kinabukasang ito? Sila ang ating kabataang tinawag ni Gat Jose Rizal na pag-asa ng ating bayan. Sila ang inaasahan nating magpapatuloy—kung hindi man magpapabuti—sa tinatamasa natin sa kasalukuyan. 

Ngunit ano na nga ba ang lagay ng ating kabataan ngayon? Katulad nating mga nakatatanda, naghahangad din sila ng matatag, maginhawa, at matiwasay na buhay. Sa ngayon, marami sa kanila ang nag-aaral o nagsisimula nang magtrabaho. Gayunman, ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa ay tila ba bumababa, kung pagbabatayan natin ang performance ng mga mag-aaral. Ang mga trabahong maaari nilang pasukan ay hindi lahat nakapagbibigay ng maayos na sahod o maging ng kahulugan sa kanilang buhay. Ayon pa sa survey ng Youth Leadership for Democracy (o YouthLed), bagamat mas marami sa ating kabataan ang nais manatili rito sa Pilipinas upang magtrabaho, nasa 20% ang nasabing bukás silang mangibang-bansa.

Upang maiwasan nila ang ating mga pagkakamali bilang isang bayan, matuto sana ang kabataang Pilipino sa mga aral ng ating kasaysayan—ang ikatlong salita sa tema ng pagdiriwang natin ngayon ng Araw ng Kalayaan.  

Ngunit may mga banta ngayon sa pagpapanatiling buháy ng kasaysayan sa ating mga diwa. Maliban sa paglaganap sa social media ng fake news at pagbabaluktot sa kasaysayan natin—lalo na ang tungkol sa mga pang-aabuso sa ilalim ng diktaduryang Marcos—ang pag-aaral ng kasaysayan ng ating mga mag-aaral ay hindi na nabibigyang-pansin. Minsan na nating tinalakay sa isang editoryal ang planong pagbabago ng Department of Education sa curriculum sa mga paaralan na magpapalabnaw sa kasaysayan bilang isang subject. Lantad na nga ang ating kabataan sa mga kasinungalingan tungkol sa ating nakaraan, hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataong maging kritikal sa pagbabaliktanaw sa ating pinanggalingan at pinagdaanan. 

Mga Kapanalig, ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay isang paraan ng paggising sa ating pag-ibig sa ating bayan. Mabuti sa pananaw ng ating Simbahan ang pag-ibig sa bayan. Sang-ayon ito sa prinsipyong tinatawag nating solidarity o pakikipagkaisa kung saan nalilinang ng bawat miyembro ng lipunan ang higit na kamalayang sila ay nakikinabang sa lipunang kinabibilangan nila, sa kalayaang ipinamana sa atin ng ating mga bayani. San lang, ang kalayaang ito, wika nga sa 1 Pedro 2:16, ay hindi natin “gamitin bilang panakip sa masasamang hangarin.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 29,457 total views

 29,457 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 80,020 total views

 80,020 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 27,195 total views

 27,195 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 85,200 total views

 85,200 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 65,395 total views

 65,395 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 29,458 total views

 29,458 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 80,021 total views

 80,021 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 85,201 total views

 85,201 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 65,396 total views

 65,396 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 45,419 total views

 45,419 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 54,100 total views

 54,100 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 68,862 total views

 68,862 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 75,977 total views

 75,977 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 50,107 total views

 50,107 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 49,879 total views

 49,879 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 49,580 total views

 49,580 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 41,914 total views

 41,914 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 81,494 total views

 81,494 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 89,048 total views

 89,048 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 84,931 total views

 84,931 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top