Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalayaan sa pamamayahag at ang katotohanan

SHARE THE TRUTH

 604 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang World Press Freedom Day. Pinahahalagahan ng taunang paggunitang ito ang pagsusulong ng kalayaan sa pamamahayag.

Kasabay ng pagdiriwang ng World Press Freedom Day, may tatlo pang mahahalagang pangyayari ang ginugunita ngayong taon, lahat ay may kinalaman sa kalayaan sa pamamahayag at sa pagkamit ng katotohanan.

Una ay ang ika-250 anibersaryo ng pagsasabatas ng kauna-unahang Freedom of Information o FOI Law sa buong mundo. Taong 1776 pa naipasa sa bansang Sweden ang ganitong batas.Noong 2014 naman, ang bansang Paraguay ay naging ika-100 bansang nagkaroon ng FOI Law. Sa pamamagitan ng FOI Law, naisusulong ang isang pamahalaang accountable o may pananagutan sa bayan,at transparent o bukas sa pagsisiyasat ng mga mamamayan. Ang malungkot, mga Kapanalig, dito sa atin ay hindi pa rin naipapasa ang FOI Bill. Sa pagtatapos ng kasalukuyang Kongreso, malabo na itong maipasa pa, kaya’t hihintayin na lamang natin ang mangyayari sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Ang ikalawang pagdiriwang ngayong taon ay ang ika-25 anibersaryo ng Windhoek Declaration. Noong 1991, sa pangunguna ng UNESCO, idinaos sa Windhoek, Namibia, ang isang seminar na dinaluhan ng mga mamamahayag mula sa Africa. Ang Windhoek Declaration—ang dokumentong nabuo mula sa pagtitipong ito—ang nagsisilbing panuntunan ng kalayaan sa pamamahayag. Binigyang-diin nito ang ika-19 na artikulo ng Universal Declaration of Human Rights: Anglahat ng tao ay may karapatan sa malayang pagpapahayag ng sariling pananaw. Kasama sa karapatang ito ang malayang pagsisiyasat, pagtanggap, at pagbabahagi ng impormasyon at ideya sa alin mang pamamaraan o media.

At ikatlo, sinimulang buuin ngayong taon ang UN Sustainable Development Goals o SDG. Nilalaman ng SDG ang labimpitong targets na pagsusumikapang makamit ng mga bansang kasapi ng UN hanggang sumapit ang taong 2030. Ang ika-16 na target ay may kinalaman sa pagsulong ng isang lipunang makatarungan, mapayapa, at maunlad,at kabilang rito ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng access sa impormasyon at sa tinatawag na mga “fundamental freedoms” gaya ng kalayaang mabuhay, maghanapbuhay, maglibang at makapagpahinga, makapag-aral, at makaboto.

Mga Kapanalig, ang mga paggunita ng nabanggit tungkol sa malayang pamamahayag at malayang pagkamit ng impormasyon ay nakaugat sa kahalagahan ng katotohanan. Ngunit inaanyayahan tayo ng mga panlipunang turo ng simbahan na papalalimin pa ang pag-unawa natin sa kalayaang magpahayag at sa pagkamit at pagsusulong natin ng katotohanan.

Para saan nga ba ang katotohanan? Sa Pacem in Terris na sinulat ng dating Santo Papa at ngayo’y St John XXIII, ang karapatan nating magpahayag at malaman ang katotohanan ay umuusbong mula sa natural na batas (o natural law) na nakapaloob sa isang kaayusang moral (o moral order) at nakatuon sa kabutihan ng lahat (o common good). Ganito rin ang isinaad sa Gaudium et Spes: Dahil ang paghanap sa katotohanan ay bahagi ng ating pagiging tao, isang mahalagang salik ng ating dignidad—tayo ay malayang hanapin ang katotohanan, malayang ipahayag ang ating mga saloobin, at malayang ibahagi ang mga ito sa iba.

Bagama’t hindi lamang nakatuon sa kalayaan sa pamamahayag, matatagpuan natin sa Dignitatis Humanae, na sinulat naman ni Pope Paul VI, ang isang mahalagang paalala tungkol sa katotohanan: “Truth is to be sought after in a manner proper to the dignity of the human person and his social nature. The inquiry is to be free, carried on with the aid of teaching or instruction, communication,and dialogue.”

Mga Kapanalig, ngayong eleksyon, kaliwa’t kanan ang batuhan ng akusasyon ng mga kandidato. Maraming impormasyon din ang pilit na inililihim para hindi lumitaw ang katotohanan. Maging mapanuri po tayo sa ating mga naririnig at nababasa. Sikapin po nating alamin ang totoo, at huwag po tayong magpagamit sa mga nagpapakalat ng kasinungalingan.

Sumainyo ang tunay na katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 6,920 total views

 6,920 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,043 total views

 14,043 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 21,246 total views

 21,246 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 26,600 total views

 26,600 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,206 total views

 34,206 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 6,921 total views

 6,921 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 14,044 total views

 14,044 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 21,247 total views

 21,247 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 26,601 total views

 26,601 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,207 total views

 34,207 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 34,125 total views

 34,125 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 73,707 total views

 73,707 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 81,261 total views

 81,261 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 77,144 total views

 77,144 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 88,691 total views

 88,691 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 92,798 total views

 92,798 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 69,695 total views

 69,695 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 69,663 total views

 69,663 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 69,014 total views

 69,014 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 62,547 total views

 62,547 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top