Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 328 total views

Homiliya Para sa Hatinggabi ng Pasko ng Pagsilang, Lukas 2:1-14

Naikwento ni Bishop Broderick Pabillo na minsan daw, sa isang recollection, ipinasulat niya sa mga participants sa kapirasong papel ang unang pumasok sa isip nila kapag nababanggit ang salitang “PASKO”. Halos lahat daw, ang isinulat ay “MASAYA”. Pero nang tanungin sila kung ano para sa kanila ang “NAGPAPASAYA SA PASKO?”, doon na daw nagkaiba-iba ang mga sagot. May nagsabing mga parol, Christmas lights at Christmas tree ang nagpapasaya. May nagsabing “Christmas parties”, “exchange gifts” at masarap na kainan. May nagsabing carolling, simbang gabi, at aguinaldo. Wala daw ni isa nagsabing ang nagpapasaya sa Pasko ay si Kristo at ang hatid niyang KALIGTASAN.

Kaya siguro madalas nating marinig ang panawagan—IBALIK SI KRISTO SA KRISMAS. Ano nga ba naman ang saysay ng Pasko kung alisin mo si Hesus? At ang pangalang HESUS ay galing sa Hebreong YESHUA, na ang ibig sabihin ay “ANG DIYOS AY NAGLILIGTAS.” Ang Pasko ay tungkol sa KALIGTASANG hatid ng pagdating ni Hesus sa daigdig.

Minsan, ako rin, tulad ng ginawa ni Bishop Pabillo, ay nagtanong sa mga participants sa isang recollection. Ang tanong ko naman ay, “Ano ang ibig sabihin ng KALIGTASAN para sa iyo?” Iisa lang ang nakuha kong sagot sa kanilang lahat: LANGIT. Mas elaborate lang nang konti ang sagot ng iba. Halimbawa, sabi ng isa, “Gantimpalang langit sa kabilang buhay.” May nagsabing “Ang sumalangit daw ang kaluluwa pagkamatay imbes na suma- impyerno.”

Ibig sabihin, ang karaniwang intindi ngayon sa kaligtasan ay ang mapunta ng langit ang kaluluwa ng tao, matapos na siya’y pumanaw sa pisikal na buhay dito sa mundo. Na para bang ang kaligtasan ay walang kinalaman sa aktwal na buhay dito sa mundo. Siguro dahil alam natin na ang katawan, ang daigdig, ang materyal at pisikal na buhay ay lilipas lang, mabubulok, mawawala. Palagay ko iyon ang dahilan kung bakit nawawalan ng paggalang sa kalikasan ang marami, at kung bakit malakas ang tendency natin na abusuhin ang ating pisikal na kalusugan. Di nga ba may mga taong ang katwiran ay, mamamatay din lang naman e ba’t di pa magpasasa?

Hindi malayo na ito rin ang dahil kung bakit sa kaisipan ng marami, ang relihiyon ay walang kinalaman sa buhay dito sa mundo o sa buhay panlipunan. Na para bang wala namang kuwenta ang buhay dito sa mundo. Kaya siguro napaka-negatibo ng kahulugan sa Tagalog ng “makamundo” o kahit ng Ingles na “worldly”, na para bang masama ang mundo.

Huwag ho sana kayong mabibigla pero ang ganitong pag-iisip ay hindi Kristiyano at malayong malayo sa kahulugan ng KALIGTASAN ayon sa Bibliya. Di ba ninyo narinig mula sa propeta Isaias sa ating first reading ang paglalarawan niya ng kaligtasan? “Liwanag sa isang bayang matagal nang nasa kadiliman…panunumbalik ng sigla at tuwa na tulad daw ng panahon ng anihan… Paglaya sa mga kaaway na umalipin sa kanila.“ Sabi pa ng propeta, “Ang kaligtasan ay tulad ng mga taong ‘naghahati ng nasamsam kayamanan.’”

Isipin mo kung gaanong saya nga naman ang idudulot kung maibalik sa mga taumbayan, lalo na sa mahihirap, ang lahat ng mga kayamanang ninakaw ng lahat ng mga nangurakot sa gubyerno? Lalo na sa mga panahong ito ng pandemya at kalamidad? Ganito ka-kongkreto ang mga larawan ng kaligtasan sa Bibliya. Kapag “nabali na daw ang panghambalos ng mga nagpapahirap sa kanila.” Kapag ang kapangyarihan sa pamamahala ay mapapasakamay na mga taong may mabuting kalooban o ng mga tunay na alagad ng kapayapaan na magpapalaganap ng katarungan at kaginhawaan at kapayapaan.

Sa ating second reading, sabi ni San Pablo, “Inihayag ng Diyos ang kanyang kagandahang-loob na nagdudulot ng KALIGTASAN sa lahat ng tao.” Hindi niya sinabing kaligtasan lang para sa mga Hudyo o para sa mga Kristiyano kundi PARA SA LAHAT NG TAO. Hindi lang gantimpalang langit para sa kaluluwa pagkamatay, kundi paghahari ng kalooban ng Diyos sa mundo upang ang dito sa lupa ay maging simula na ng langit.

Ito aniya ay mangyayari kung tatalikdan natin ang “likong pamumuhay.” Di ba ganoon ang pahayag ni Juan Bautista nang simulan natin ang adbiyento? Na ang daan ng kaligtasan ay ang landas ng pagpapantay, at pagpapatag: pagbababa sa matataas at pagtataas sa mga mababa, pagtutuwid sa baluktot at pagpipino sa magaspang?

Narinig din natin sa pahayag ng anghel sa mga pastol ng Belen na nagbukas ng pinto sa Anak ng Diyos? “Ako’y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa LAHAT NG TAO.” Ayun, naulit na naman—hindi lang daw para sa iilan kundi para sa lahat. At para kanino ang mabuting balitang ito? Para sa mga taong may mabuting kalooban.

Ang tunay na saya na dulot ng Pasko ay ang kaligtasang hatid ni Kristo sa sangkatauhan. Sabi nga ng simula ng sulat sa mga Hebreo, “Noong una, naghahatid ng kaligtasan ang Diyos sa pamamagitan ng mga sugo at propeta. Ngunit nitong mga huling araw, nangusap siya sa atin sa pamamagitan ng sariling Anak niya.“ (Sabi ni Bishop Pabillo, “Ang kaligtasan ay hindi na mensahe kundi ang Diyos na mismo.”)

Binigyan ni Hesus ng anyo ang Diyos ng habag at malasakit. Hindi lang Salita ng Diyos ang ibinahagi niya sa mga nagugutom; pagkain din. Hindi lang aliw ang hatid niya sa mga maysakit; paghilom din. Hindi panghuhusga ang hatid niya sa makasalanan kundi patawad, pagbabalik-loob, at papakikipagkasundo.

Ito raw ang orihinal na exchange gifts sa pagitan ng Diyos at tao. “We gave him our humanity; he gave us his divinity.” (Pabillo) Ang sinumang handang mag-regalo sa Diyos ng kanilang abang pagkatao, ay reregaluhin din ng Diyos ng kanyang pagkaDiyos. Ang bawat taong may mabuting kalooban ay nagiging Belen, nagiging tahanan ng Diyos na nagliligtas. Nagiging kaisa ng Anak ng Diyos sa misyon ng pagliligtas, upang ang dito sa lupa ay maging para nang sa langit. Maligayang Paskong Pagsilang po sa ating lahat.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 40,485 total views

 40,485 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 55,141 total views

 55,141 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 65,256 total views

 65,256 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 74,833 total views

 74,833 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 94,822 total views

 94,822 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,517 total views

 7,517 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,647 total views

 9,647 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,647 total views

 9,647 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,648 total views

 9,648 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,644 total views

 9,644 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,517 total views

 10,517 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,718 total views

 12,718 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,751 total views

 12,751 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,105 total views

 14,105 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,201 total views

 15,201 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,410 total views

 19,410 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,128 total views

 15,128 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,498 total views

 16,498 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,760 total views

 16,760 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,453 total views

 25,453 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top